Maris Racal talks about her PBB crush

The Gonzaga sisters interview Maris Racal on ‘Aquino and Abunda Tonight.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/26/2014 8:02 AM
Maris Racal talks about her PBB crush


082714-Maris_main.pngSa Aquino and Abunda Tonight, ang Gonzaga sisters na sina Alex at Toni ang pansamantalang nag-host ng programa dahil sa nagpapagaling pa ang host na si Boy Abunda at kasalukuyan namang masama ang pakiramdam ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Nalagay sa hot seat si Maris Racal na kilala bilang Singing Sunshine ng Davao sa Pinoy Big Brother All In. Si Maris din ang PBB All In second Big Placer. 

Nang tanungin ni Alex si Maris kung naramdaman niya na isa siya sa magiging Big Four, sinabi ni Maris na, “Oo, may tiwala naman ako sa sarili ko.” Sinabi rin ni Maris na hindi siya naniniwala na naging second Big Placer lamang siya dahil sa laki ng “votes to evict” ni Jane. “Nagtitiwala naman ako sa mga sumuporta sa akin,” ani Maris.

Sinabi rin ni Maris na kung papasukin niya ang industriya ng showbiz ay gusto niyang maging “all-around” o maging isang singer, dancer pati na rin actress.

Issue rin laban kay Maris ang pagkuha niya ng Php100,000 na bigay ni Kuya, gayong mas may kaya diumano ang pamilya nito kaysa sa mga pamilya nina Jane at Loisa. Binanggit pa ni Alex na naikuwento diumano sa kanya ni Maris na nagbayad ang pamilya niya noon ng Php 60,000 na bill sa kuryente para sa isang buwan.

Hindi naman ito kinaila ni Maris ngunit depensa niya, “Hindi talaga kami may kaya.” Dagdag pa niya, “Kinuha ko ang pera kasi silang lahat pinili nila ako para bigyan nun at malaking offer din yun.” Giit pa ni Maris, “Kailangan din naman yun ng family namin.

Sumang-ayon naman si Alex, sabay biro na hindi talaga dapat tanggihan ang malaking offer kung kaya nga raw pumayag siya sa pag-host ng A&A para sa gabing iyon.

Pinaamin ni Alex si Maris kung sino ang crush nito sa bahay ni Kuya. Noon pa ito napansin ni Alex dahil masaya si Maris kapag kasama niya ang housemate na ito. Inamin ni Maris na crush niya noon si Fifth sa bahay ni Kuya dahil talented diumano ito. 

Ano kaya ang naramdaman ni Maris nang malaman na bisexual si Fifth?” Ayon kay Maris, “nagulat at na-hurt ng konti.” Agad namang bawi si Maris at sinabi na ang ibig niyang sabihin ay nanghinayang at hindi na-hurt.

Ano naman kaya ang reaction niya na paglabas niya ng bahay ay may mga fans sila ni Manolo na kung tawagin ay “Manolris.” Ayon kay Maris, nagsimula iyon nang asarin siya ni Fourth kay Manolo dahil “natutuwa” siya at “nakukyutan” kay Manolo.

Magaan ang loob ni Maris kay Daniel pero hanggang doon lang daw ito. Nagulat din diumano siya dahil merong “Mari-Fourth” at “Maris-Daniel.” 

Nag-break si Maris at ang kanyang boyfriend bago siya pumasok ng bahay ni Kuya. Kwento ni Maris, nahuli siya ng kanyang ate na katext ang ex-boyfriend niya at pinagbawalan na siya na makipag-text dito.

Ibinuking naman ni Alex na crush si Maris ng mga grade 6 pupils sa school nila. Ipinagmalaki din ni Alex na “self-explanatory” lang ang pagkatuto ni Maris ng pagtugtog ng gitara. Tumawa naman si Toni at sinabi na baka “oido” ang ibig sabihin ni Alex or “self-taught” dahil diumano meron na ngayong mga tutorials online.

Dagdag pa ni Alex, kaya ni Maris makisama sa mga teens at adult housemates. Si Maris din diumano ang naipit noon sa away nina Jane at Loisa. Ayon kay Maris, kinakausap lang niya si Jane at Loisa noon at kino-comfort niya ang kanyang kaibigan na si Loisa dahil alam niyang parehong may pinagdadaanan ang dalawa.

Ano naman kaya ang standout quality ni Maris na aabangan ng mga fans niya? Sinabi ni Maris na “attitude” talaga. Kasi diumano, kahit si Direk Cathy Garcia-Molina ay sinabi kung gaano ka-importante ang attitude para maging successful sa industriya ng showbiz. Meron ding galing si Maris sa “singing, sayaw at acting kaya deserving naman talaga ako.” 

Sang-ayon dito si Toni dahil ayon sa kanya “right attitude is what it takes to stay in this business.”

Puna ng magkapatid na Gonzaga ay kamukha ni Maris ang actress-singer na si Selena Gomez at ang kilos at pagsasalita naman ni Maris ay hawig kay Erich Gonzales.