Maris claims Big Winner spot

Maris says she should be the Big Winner and reveals who she wants to win if she does not make it to the top spot.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/26/2014 8:02 PM
Maris claims Big Winner spot


082314-maris-main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, tinanong ng host na si Kris Aquino si housemate Maris Racal kung bakit niya tinanggap ang one hundred thousand pesos na ibinigay ni Kuya gayong may kaya naman ang kanyang pamilya. Sinabi ni Maris na malaking halaga ang one hundred thousand pesos para sa kanya at hindi niya ito tatanggihan. Sinabi din niya na “hindi naman kami ganun ka may-kaya.”

Nagpakasal kamakailan ang mga magulang ni Maris sa loob ng bahay ni Kuya. Ang nanay niya ay matagal ng annulled sa una nitong asawa. Sinabi ni Maris kung bakit sa tingin niya ngayon lang nagpakasal ang kanyang mga magulang, “Siguro po ngayon lang nila na-realize na mahal nila ang isa’t isa.”

Ngayon lang kasi nakita ni Maris na sweet ang parents niya. Kwento ni Maris, hindi sweet ang kanyang parents sa kanilang bahay at nagiging awkward kapag tinatanong niya ang mga ito kung mahal nila ang isa’t isa. Umaasa rin si Maris na forever na ang pagsasama ng kanyang parents.

Hindi rin sang-ayon si Maris sa pagpapa-retoke kasi ayaw daw niyang pakialaman ang “bigay ni Lord,” ngunit nirerespeto naman ni Maris ang opinyon at desisyon ng iba. Paano naman kung maging artista na si Maris at kailangan na niyang magpa-retoke? Sa ngayon daw ay hindi pa alam ni Maris ang sagot kung magpaparetoke siya.

Pinakanta ni Kris si Maris. Napakaganda raw ng boses ni Maris at tinanong siya kung bakit hindi siya sa The Voice sumali. Paliwanag ng dalaga, nahuli na siya sa audition ng The Voice.

Confident at walang duda namang sinabi ni Maris na sa tingin niya siya dapat ang maging Big Winner kasipumasok ako para dito. Binigay ko lahat ng best ko.” 

Kung hindi naman siya, gustong niyang si Daniel Matsunaga ang maging Big Winner dahil sa napakabait nito. Mabait din kaya si Maris? Ayon kay Maris mabait siya “pero sometimes hindi.” 

Pinayuhan ni Kris si Maris na sana i-maintain ang kanyang honesty.