• Home
  • Fresh Scoops
  • Deniece Cornejo will settle with Vhong Navarro if the actor apologizes

Deniece Cornejo will settle with Vhong Navarro if the actor apologizes

Deniece Cornejo wants an apology from Vhong Navarro before she agrees to settle.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/26/2014 8:05 PM
Deniece Cornejo will settle with Vhong Navarro if the actor apologizes


082714-Deniece_main.pngNagharap si Vhong Navarro at sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at Simeon Raz sa Taguig Regional Trial Court para sa isang judicial dispute resolution (JDR) para sa kasong Grave Coercion ng aktor laban kay Cornejo, Lee at Raz at iba pang mga kasama nito. Kaugnay ito sa pagkakabugbog kay Navarro noong January 22, 2014.

Layunin ng JDR na magkaroon ng “settlement” sa pagitan ng dalawang kampo.

Sinabi ng kampo ni Cornejo na handa siyang pumayag sa isang settlement kung hihingi ng tawad si Navarro sa kanya. 

Sinabi naman ng kampo ni Navarro na desidido silang ituloy ang kaso at wala silang balak makipag-settle. 

Pumunta sa pagdinig ng JDR ang lola ni Deniece na si Florencia at ang long-time partner ni Navarro na si Tanya Bautista.