• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Matsunaga says what he thinks of Heart Evangelista’s engagement to Senator Chiz Escudero

Daniel Matsunaga says what he thinks of Heart Evangelista’s engagement to Senator Chiz Escudero

The PBB All In winner also shares that he wants his family to live in the Philippines

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/26/2014 9:53 AM
Daniel Matsunaga says what he thinks of Heart Evangelista’s engagement to Senator Chiz Escudero


082614-daniel_main.jpgSa episode kagabi ng Aquino and Abunda Tonight, kasabay nang pagkapanalo ni Daniel Matsunaga ng isang condo unit, business franchise, one million pesos at isang Asian travel package nang siya ay tanghalin bilang Pinoy Big Brother All In Big Winner, marami rin ang bumato sa kanya ng maiinit na intriga.

Maraming nagsasabi na hindi dapat nanalo si Daniel sa Pinoy Big Brother dahil hindi naman siya isang Pinoy. Brazilian ang nanay ni Daniel at Japanese naman ang tatay niya.

Patuloy namang iginiit nang tinaguriang Hunk of the World ng Makati na hindi man siya dugong-Pinoy, siya naman ay may pusong Pinoy. Nanirahan na siya ng limang taon sa Pilipinas at plano niyang dalhin ang buong pamilya niya para manirahan na rin dito. Ayon kay Daniel, maging ang mama niya ay gustong tumira sa Pilipinas.

Bukod sa mga nabanggit ni Daniel, hindi naman ikinakaila ni Daniel na sa Pilipinas siya nagkaroon ng maraming career opportunities. Isang rebelasyon rin nang ikuwento ni Daniel na nag-audition siya last year sa Big Brother sa Brazil at hindi raw siya nakapasok. At dito sa Pilipinas, “lahat ng opportunities” ay ibinigay sa kanya. Natupad diamano ang sinabi ni God na “I have a purpose here.”

Nang tanungin siya ng host na si Kris Aquino kung nagbabayad siya ng taxes, sagot ni Daniel ay “oo.

Katulad ng isang tipikal na Pinoy, malapit si Daniel sa kanyang pamilya at kinuwento niya kung paano siya nangulila sa kanila habang nasa loob siya ng bahay ni Kuya. “Sobrang nakakaiyak kasi sobrang miss ko sila. Sobrang lungkot doon sa loob ng bahay, minsan you think talaga about life and everything and you feel all the emotions. Talagang mahal na mahal ko sila, and I miss them so much.”

Isa rin diumano ito sa dahilan kung bakit siya naiyak nang Big Night. Nahihiya diumano si Daniel umiyak ngunit “I could not hold it in.” Nang tanungin siya ni Kris kung bakit siya nahihiya, sagot ni Daniel ay “I don’t like to cry Kris kasi, hindi ko alam (kung bakit).

Pinuri naman ni Kris ang beauty ng Mama Geralda ni Daniel. Portuguese lamang ang alam na salita ng ina ni Daniel ngunit pinapanood nito lahat ng shows ni Daniel. May cute brother din si Daniel. Balak diumano ni Daniel na dalhin ang buong pamilya niya sa Pilipinas after two years kapag nakapagretiro na ang kanyang ama. Ang Papa ni Daniel, ayon sa binata, ay isang administrator sa isang electric company sa Brazil.

Nabanggit rin ni Kris na ang mga kasabayan ni Daniel na si Jane, Loisa at Joshua ay gaganap na sa isang teleserye. Sabi ni Daniel welcome ang kahit anong blessings sa  buhay niya pero hindi pa niya sa ngayon alam kung ano ang mga iyon.
082614-daniel_main.jpgNatanong din ni Kris kung bakit ang mga babaeng naugnay at nauugnay kay Daniel ay panay “taken” na. Si Heart Evangelista na ex-girlfriend ni Daniel ay engaged na kay Sen. Chiz Escudero. Sagot ni Daniel, “Okay lang, masaya ako para sa kanila.” At si Vickie Rushton naman, na 4th Big Placer sa PBB All In, ay mayroon ng Jason Abalos. Kaibigan daw niya si Vickie. Pero paano naman kaya kung ayaw ni Jason na makipag-kaibigan si Vickie kay Daniel? Ayon kay Daniel irerespeto niya kung yun ang magiging desisyon ni Jason.“Kung ayaw ni Jason, I’ll go away.”

Nalaman diumano ni Daniel ang engagement ni Heart at Sen. Chiz mula kay Alex Gonzaga.

Dahil nabanggit ni Daniel si Alex, sinabi ni Kris na napag-usapan nila ni Toni Gonzaga sa The Buzz na bagay si Daniel at si Alex. Si Daniel at Alex ay kapwa  member ng Victory Church. Nang tanungin ni Kris si Daniel kung maganda si Alex, sagot nito ay “maganda siya.”

Nang tanungin ni Kris si Daniel kung gaano kahalaga ang beauty ng isang babae sa kanya, sinabi ni Daniel na mas importante ang “faith kaysa sa kagandahan.”

Pinasalamatan ni Daniel ang mga Pinoy fans na sumuporta at nagmahal sa kanya. “Maraming salamat po for all the love. I’ve never felt like this in my whole life. Kagabi was the most amazing day in my whole life. Dahil sa inyo nandito ako and I’ll be here forever. Maraming maraming salamat. Mahal ko kayo.”

Pinuri naman ni Kris si Daniel dahil ito ay gwapo, mabait at humble. Dagdag pa ni Kris, “I’ve known him for more than two years and all the times na naka-trabaho namin siya mabuting tao talaga siya.” Sinabi din ni Kris na binoto ng anak niya na si Bimby si Daniel. Inudyok din niya ang PBB All In Big Winner na ligawan si Alex.

Ayon kay Kris, pinatunayan ni Daniel Matsunaga na “a nice guy can finish first” dahil sa kanyang pagkapanalo.