• Home
  • Fresh Scoops
  • Kamusta na sina ex-PBB All-In housemates Manolo at Nichole sa real world?

Kamusta na sina ex-PBB All-In housemates Manolo at Nichole sa real world?

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

8/24/2014 7:45 PM
Kamusta na sina ex-PBB All-In housemates Manolo at Nichole sa real world?


082514-Manolo_Nichole.jpgEversince lumabas ng Bahay ni Kuya sina Manolo Pedrosa at Nichole Baranda, ay hindi ko pa rin sila nakikita hehehe. At kapag nangamusta naman ako sa social networking sites kung kamusta na ang love kong si Manolo ngayong balik sa real world na siya, marami ang sumasagot na lagi raw silang magkasama. Ako tuloy napapatanong, natuloy na ba ang maganda nilang pagtitinginan sa labas ng PBB house?

Tinext ko ang hot momma ni Nichole na si Phoemela Baranda para tanungin kung kamusta na ang anak niya, at si Manolo ngayong nagkikita na nga ang dalawa without cameras na nakatutok sa kanila. Sang-ayon ba siya kung lumalim nga ang pagkakamabutihan ng mga bagets?

“The housemates have a lot of activities especially this week. Rehearsal for trade launch, ASAP tomorrow and the Big Night, mall tour next week. So Nichole gets to see Manolo a lot. They also had their workshop last week, Manolo and Nichole. And everytime I’d call Nichole, Manolo would say hi naman. I could see the good upbringing of Manolskiee. I’m happy that they’re busy with work and I hope they get to do a project together soon,” ang sagot sa akin ni Phoem.

“I can see that they get along well now and if Manolo decides to pursue Nichole, I’m good with it. Pero sana work muna,” pahayag niya naman tungkol sa posibilidad na tuluyang magkahulugan ng loob sina Manolo at Nichole.

Pero gaya ng kahit sinong magulang, priority pa rin ni Phoemela ang pag-aaral ng kanyang anak. “Nichole will continue her studies in CSA (Colegio de San Agustin) for now and hope we can manage her schedule, well, in case they have a project already.”

Thanks Phoem!