Vickie shares how romance with Jason Abalos started

Vickie shares love story with beau Jason Abalos and denies attraction for Daniel Matsunaga

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/22/2014 1:02 PM
Vickie shares how romance with Jason Abalos started


082314-vickie-main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nilinaw ni housemate Vickie Rushton na walang kinalaman si Daniel Matsunaga kung bakit siya nag-open up tungkol sa mga problema nila ng kanyang boyfriend na si Jason Abalos. Ayon kay Vickie, “Hindi ako na-attract kay Daniel na may feelings.” Humahanga raw siya kay Daniel dahil sa bait nito at sa pag-alaga nito sa kanya pero hindi dahil sa gusto niya ito.

Tinatawag si Vickie na Lady Mahinhin. Sinabi ni Vickie na noon pa mang maliit siya ay mahinhin na talaga siya. Pinuri rin siya ng host na si Kris Aquino at sinabing “TV does not do your beauty justice.”

Kinuwento rin ni Vickie kung paano sila nag-meet ni Jason Abalos.  Nag-meet sila sa isang mall show sa Bacolod. Nanonood lang diumano noon si Vickie dahil siya ang reigning beauty queen noon sa Bacolod. Pinaakyat diumano siya ni Jason at kinantahan siya ng “Ngiti.” May girlfriend diumano noon si Jason at isang taon pa ang lumipas bago sila nag-reconnect.

Pasko ng 2011 nang sabihin ng mama ni Vickie na batiin niya si Jason. Nag-text naman daw si Vickie kay Jason. Matagal siyang niligawan ng binata at sinagot niya ito nang maka-graduate na siya ng Nursing. Sa ngayon ay one year and four months na sila ni Jason. 

Sinuportahan diumano ni Jason ang pagsali niya sa Pinoy Big Brother All In kahit na alam nito na mauungkat ang kanilang buhay. 

Ayon kay Vickie, karapat-dapat siya sa titulong Big Winner. Ngunit kung hindi ito mapupunta sa kanya gusto niya kay Maris o Loisa mapunta ang top spot ng kompetisyon.