• Home
  • Fresh Scoops
  • Jane Oineza reveals what she feels for Joshua Garcia and Jeron Teng

Jane Oineza reveals what she feels for Joshua Garcia and Jeron Teng

Jane Oineza denies reciprocating Joshua Garcia’s feelings for her, reveals what she feels for Joshua and Jeron Teng.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/22/2014 1:00 PM
Jane Oineza reveals what she feels for Joshua Garcia and Jeron Teng


082314-jane-main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, hinarap ni celebrity housemate Jane Oineza ang maanghang na tanong tungkol sa kanya.

Tinanong ni Queen of All Media Kris Aquino kung bakit inamin ni Jane kay Joshua na may feelings siya para sa binata pero dineny ito ni Jane in front of everyone else. Ayon kay Jane, hindi ito totoo kasi sinabi niya kay Joshua at sa mga housemates na “hindi pa ito ang right time.” 

O baka naman si basketball star Jeron Teng ang nagpapatibok ng puso ni Jane kaya hindi niya nabigyan ng pag-asa si Joshua? Sagot ni Jane, hindi kasi “hindi pa ito ang right time para magka-boyfriend” at kaibigan lang ang tingin niya sa dalawa. Aminado naman si Jane na magkasundo sila ni Jeron sa maraming bagay.

Inamin ni Jane sa bahay ni Kuya na marami siyang insecurities kasi napag-iwanan na siya ng mga kasabayan katulad ni Kathryn Bernardo at Julia Barretto. Sinabi niya kay Kris na naniniwala siya na “patience” lang ang kailangan at dadating din ang time para sa kanya. Umaasa si Jane na ang pagsali niya sa Pinoy Big Brother All In ay magbibigay ng maraming career opportunities para sa kanya.

Hindi iniisip ni Jane na naagawan siya ng childhood kahit na five years old pa lang ay breadwinner na siya ng kanyang pamilya. Ayon kay Jane, isang blessing ito at parang laro lang din naman daw sa kanya ang pag-arte at pag-aartista.

Tinanong din ng host na si Kris Aquino kung bakit iyakin si Jane. Matapat namang sinabi ni Jane na “madali po akong ma-affect at tamaan.”

May kinalaman kaya ito sa pagkakaroon niya ng pinakaraming nomination mula sa mga housemates? Sinabi naman ni Jane na minsan ang pagkaka-nominate niya ay dahil rin natatalo siya sa mga challenges, ngunit hindi niya itinanggi na napapaisip din siya noon kung may mali ba siyang nagawa kasi lagi siyang binoboto ng mga kasama niya sa bahay.

Ngayon naman diumano nararamdaman ni Jane na “sobrang close na kami lahat.” Siguro raw ay “well-adjusted” na sila sa isa’t isa.

Ayon kay Jane, siya ang dapat maging Big Winner kasi “hindi ako sumuko.” Kung hindi naman siya, gusto niya si Daniel Matsunaga ang maging Big Winner dahil sobrang bait nito.