• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid says he wants to be a Kapamilya, explains why he isn’t courting Nadine Lustre yet

James Reid says he wants to be a Kapamilya, explains why he isn’t courting Nadine Lustre yet

James Reid says he would love to be with the network where he started and he clarifies his relationship status with Nadine Lustre.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/22/2014 1:03 PM
James Reid says he wants to be a Kapamilya, explains why he isn’t courting Nadine Lustre yet


082214-james_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, matapos magpahinga ng ilang taon ay meron ng dalawang pelikula si Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 winner James Reid.

Paliwanag ni James, nagpahinga siya noon kasi “unexpected” ang pagkapanalo niya sa PBB at hindi pa siya ready noon mag-artista. Unexpected din diumano ang pagiging Box Office Hit ng kanyang first movie na Diary ng Panget.

Kwento ng host na si Kris Aquino nang tanungin niya si Nadine Lustre kung nililigawan siya ni James ay napatingin ito sa kanyang nanay. Tinanong ni Kris kung strict ba ang mommy ni Nadine at sagot naman ni James ay “I think oo.” 

Binigyang linaw naman ni James na wala itong kinalaman kung bakit hindi pa sila ni Nadine. Hindi pa naman daw siya nagpapa-alam sa nanay ni Nadine na ligawan ang kanyang leading lady dahil ayon kay James, he likes Nadine pero hindi pa siya ready pumasok sa isang relationship at “for now, focus ako sa trabaho ko.”

Sa ngayon daw ay may exclusive contract si James with Viva pagdating sa movies, ngunit wala pa siyang TV contract. Nang tanungin ni Kris kung magiging Kapamilya siya, sinabi ni James na “I cant reveal much now,” ngunit gusto daw niyang maging Kapamilya dahil, “I started here, I would love to be here.” 

Sinabi rin ni James na he works out hard para ma-achieve ang ganda ng katawan niya at kinantahan niya ang Queen of All Media. Gusto ni James na ang next project niya ay isang album.

Pinuri naman ni Kris si James dahil sa hindi pa nito ramdam ang pagiging sikat niya. “Nandun pa ang pagka down-to-earth mo and it’s refreshing.” Sagot naman ni James ay, “sometimes it doesn’t catch up to me.”