• Home
  • Fresh Scoops
  • Ex-housemate Joshua Garcia knows Kim Chiu’s tweet is for him

Ex-housemate Joshua Garcia knows Kim Chiu’s tweet is for him

Joshua Garcia explains why he thinks Jane Oineza reciprocates his feelings for her, says he knows Kim Chiu’s tweet is directed at him.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/22/2014 12:55 PM
Ex-housemate Joshua Garcia knows Kim Chiu’s tweet is for him


082214-joshua_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, hinarap ni ex-housemate Joshua Garcia ang maaanghang na intriga tungkol sa kanya. Si Joshua ang isa sa mga pinaka-kontrobersyal na housemate sa bahay ni Kuya dahil na rin sa closeness niya kay celebrity housemate Jane Oineza at pagtatapat niya ng pag-ibig sa dalaga.

Ayon kay Joshua, pakiramdam niya ay may nararamdaman din si Jane para sa kanya pero hindi ito maamin ni Jane. Paliwanag ni Joshua, sa tingin niya ay nag-iingat lang si Jane dahil sa babae ito.

Namimiss ni Joshua si Jane pero wala naman daw siyang balak ligawan si Jane paglabas nito sa bahay ni Kuya. Katulad diumano ng sinabi noon ni Joshua ay ayaw muna niya magka-girlfriend muli kung kaya “hanggang feelings lang po.” Sa ngayon, gustong mag-focus ni Joshua sa mga opportunities sa labas ng bahay ni Kuya at susubukang niyang isingit ang pagtatapos niya ng high school.

Pinayuhan naman si Joshua ng Queen of All Media Kris Aquino na i-prioritize ang pag-aaral at tapusin niya ang high school.

Alam din ni Joshua na ang post ni Kim Chiu kamakailan sa Twitter ay patungkol sa kanya. Sa tweet ni Kim, sinabi nito na may isang guy housemate na “super not deserving to be part ng big4.” Tinawag din ni Kim ang guy na “tamad-feeler and makatwiran sa sarili.” Ani Joshua, “Ako naman po talaga yung tamad sa bahay ni Kuya.” Ngunit binago naman daw niya ito bago siya lumabas ng bahay.

Ipagdadasal diumano ni Kris na maging masipag na si Joshua para maging successful ito sa industriya ng showbiz. 

Ayon pa kay Joshua, sobrang lungkot niya nang siya ang na-evict, ngunit naramdaman daw niya na siya ang aalis dahil si Jane at Daniel, na kapwa celebrity, ang kasabay niyang nominated.