• Home
  • Fresh Scoops
  • Erik Santos hindi apektado sa mga nagdududa sa pagtitinginan nila ni Angeline Quinto

Erik Santos hindi apektado sa mga nagdududa sa pagtitinginan nila ni Angeline Quinto

Erik sinagot ang mga nagtatanong sa madalas nilang guestings ni Angeline na magkasama.

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

8/21/2014 7:41 PM
Erik Santos hindi apektado sa mga nagdududa sa pagtitinginan nila ni Angeline Quinto


darlapush.jpg
Nitong mga nagdaang araw, sa guestings nila sa iba’t ibang TV shows ay hayagan na ang pagpapahayag nina Angeline Quinto at Erik Santos, ng kanilang espesyal na pagtingin sa isa’t isa. Partikular na sa programa Kris TV, kung saan all out sila sa pagsasabing ang napapaligaya nila ang isa’t isa ngayon – kaya naman todo kilig din ang matchmaker nilang si Kris Aquino. Matatandaan kasing nagsimula ang tuksuhan sa nasabi ring programa, nang mapadalas ang guesting nila dito together.

Pero gaya ng kahit anong relasyon, marami ang agad nagtaas ng kilay, nagduda at nangnenega sa namumuong pagtitinginan ng dalawa. Sa isang interview para sa isa ring website, ay sinabi ni Angge na hindi naman daw siya tanga para paglaruan ang kanyang nararamdaman. Ito ay patungkol sa mga nang-iintrigang palabas lang lahat ng pinapakita at sinasabi nila.

Hiningi ko rin ang panig ni Erik tungkol sa isyung ito. Kasalukuyang nasa Singapore ang Prince of Pop pero as always ay mabilis siyang sumagot sa text ko.

“I’ve long accepted the fact that people will always have their different opinions about everything. I respect that but I won’t allow those negative opinions ruin my personal life and decisions. Thank you. J,” sabi ni Erik.

Sa ngayon ay hindi pa ulit sila nai-interview together. Pero respetuhin na lang po natin sila, dahil lahat naman tayo gustong respetuhin din tayo ng kapwa natin. Let’s wait na lang na sabay ulit silang humarap sa tao, malamang po sa Kris TV ulit, soon.
Thanks Erik! See you on Monday!