• Home
  • Fresh Scoops
  • Proposal Mania (Part 2): Bea Alonzo on settling down: ‘Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko’

Proposal Mania (Part 2): Bea Alonzo on settling down: ‘Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko’

With former leading man Dingdong Dantes set to tie the knot soon, Bea Alonzo does not want to be pressured to follow suit.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/20/2014 8:57 PM
Proposal Mania (Part 2): Bea Alonzo on settling down: ‘Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko’


082014-beazanjoe_main.jpg2010 nang magkasama sa isang proyekto sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, ang pelikulang Sa ’yo Lamang kung saan si Bea ang bida at si Zanjoe ang gumanap bilang asawa nito. Aminado naman ang dalawa na dito din nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

Noong panahon na iyon ay galing si Bea sa kontrobersyal nilang “pagkakaintindihan” ni Gerald Anderson at si Zanjoe naman mula sa kanyang matagal na relasyon kay Mariel Rodriguez na nauwi din sa hiwalayan.

Sa kanilang panayam sa Gandang Gabi Vice dun kwinento ng dalawa ang naging simula ng lahat nang nagpanggap sina Bea at Zanjoe na sila para makaiwas sa isang lasing na lalaki sa bar, hanggang dumating muli sila sa isang okasyon at muling nagpanggap na sila para lang sa gabing iyon ngunit tila ayaw na ni Zanjoe nang nagkukunwari lang. Taong 2011, nang aminin ni Zanjoe na nililigawa niya si Bea. At sa birthday presscon nga ni Bea, October 23, 2011, inamin niyang magkarelasyon na sila ni Zanjoe at naging sila nga noong March 16 ng taon ding yun.

At ngayon ngang tatlong taon na ang relasyong Zanjoe at Bea, marami na ang nag-aabang kung kailan naman pupunta sa kasalan ang dalawa. At nang makapanayam ng Push si Bea, lalo pa ngayon at ang kanyang leading man sa kanyang huling pelikula na She’s The One na si Dingdong Dantes ay ikakasal na sa Disyembre kay Marian Rivera, marami ang nagtatanong kung kailan sila susunod.

“Ito yung mga nakakatandang questions kasi yung mga kasabay ko mga bata pa.” Ngunit sabi ni Bea marami pa siyang nais gawin sa kanyang buhay, “Siyempre iba yung process, iba yung pinagdaanan nung relationship nila. Matagal sila kesa sa amin kami siyempre gusto pa naming makilala ang isa’t isa at i-enjoy itong moment na ito ng relationship namin na kapag nagpakasal kami hindi na naming ito mababalikan. 26 pa naman ako, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, siya rin ganun, bata pa rin naman siya.”

Hindi maiwasang magakaroon ng pagkukumpara sa paraan ng pagpo-propose ngayon ng mga nais magpakasal, galing man sa showbiz o hindi. Kaya naman nang mapunta na ang usapan sa kung sakaling magpropose si Zanjoe, may particular din ba siyang gusto kung papaano dapat ang maging takbo ng proposal? “It doesn’t matter kung paano niya gagawin as long as he is sincere, yun naman yun eh.”

Aminado din naman si Bea na napag-uusapan na nila kahit papaano ang pagpapakasal, ngunit bukas man siyang hindi pa siya handa sa kasalukuyan, kung tatanungin naman kung sakaling darating na siya dun at handa na siya, wala na siyang pipiliin pang iba. “Siyempre nagkakajoke-an lang pero not anything serious. Siyempre ang ano naman dun, kung papipiliin naman ako kung sino ang gusto kong makasama habambuhay siyempre siya yun.”