• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos talks about ‘I Do’, her fitness regimen, and love advice for Kris Aquino

Judy Ann Santos talks about ‘I Do’, her fitness regimen, and love advice for Kris Aquino

Judy Ann Santos talks about her latest projects, her fitness regimen, and shares some wisdom with Kris Aquino.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/21/2014 12:19 AM
Judy Ann Santos talks about ‘I Do’, her fitness regimen, and love advice for Kris Aquino


082114-Juday02_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, proud ang Queen of Teleserye Judy Ann Santos sa bago niyang reality serye sa ABS-CBN na I Do kung saan siya ang magiging host. Sa I Do masusubaybayan ng taumbayan ang journey ng nine couples patungo sa pag-iisang dibdib o di kaya’y paghihiwalay. 

Dapat diumanong abangan ang I Do dahil pilot episode pa lang nito ay nakakaiyak na. Dagdag pa ni Juday, “Masarap panoorin kasi nakikita mo yung mga couples na talagang nagmamahalan.”

Ayon kay Juday, ang I Do ay first original reality-serye ng Kapamilya network. Magiging co-host niya si Jayson Gainza at eere ang I Do sa August 30, Saturday.

Bukod sa kailangan ni Juday, patuloy diumano ang kanyang pagiging physically active dahil gusto niyang tularan siya ng kanyang mga anak. Nakakasama niya diumano si Ryan Agincillo sa running at 360 Circuit Training. May swimming lessons din si Juday twice or thrice a week.

Nang tanungin si Juday kung bakit walang teleserye ang tinaguriang Queen of Teleserye, mabilis na balik nito sa host na si Kris Aquino ay “ewan ko din e!” Ngunit binawi naman niya ito at sinabing may tiwala siya sa kung ano man ang plano sa kanya ng ABS-CBN. Gusto rin daw niyang piliin ang magiging next teleserye project niya bilang kasunod ng Huwag Ka Lang Mawawala na naging mataas ang naging ratings.

Sinusubukan ni Juday na magkaroon muli sila ng baby ng kanyang asawa na si Ryan Agoncillo. Excited rin si Juday makatrabaho si Direk Peque Gallaga sa remake ng Tiyanak.

Inamin naman ni Kris na naiinspire siya sa love story ni Juday at Ryan tuwing nakikita niya ang mga posts nito sa Instagram. Pinaaalala daw kasi nito na hindi pa huli ang lahat para magkaroon ng isang magandang love story katulad kay Juday. Sinang-ayunan naman ito ni Juday at pinayuhan pa ang Queen of All Media. “Dadating ang love at the most unexpected time and at the most unexpected moment at kapag ready na ang puso mo.”