• Home
  • Fresh Scoops
  • JC De Vera on ‘Once a Princess’: ‘Si Erich balde balde na yung iniiyak’

JC De Vera on ‘Once a Princess’: ‘Si Erich balde balde na yung iniiyak’

JC De Vera admits that he and cast gave their all in ‘Once a Princess.’

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

8/20/2014 8:30 AM
JC De Vera on ‘Once a Princess’: ‘Si Erich balde balde na yung iniiyak’


082014-jc_main.jpgAs Erich Gonzales’s husband in the movie Once a Princess, JC De Vera admitted playing Damian is one of the most challenging roles in his career. “Gustong gusto niyang nakukuha ang lahat ng bagay but deep inside marunong siya magmahal at gagawin niya ang lahat para sa pag-ibig. This is the first time I did a grey character, hindi siya ganun ka-dark pero hindi din siya ganun ka-bait. Maganda yung twist nung character so this is the first time that gumawa ako ng very edgy na character. First time ko din kasi gumawa ng ganito kabigat na drama movie. So it’s a good experience,” he shared.

As one of the last members of the cast to join the project, JC said he had to adapt quickly to the story. “Yung character mahirap talaga gawin kasi nasabihan ako to do the role nung naumpisahan na nila yung movie na hindi nila shinu-shoot yung character ko tapos pumasok ako dun na the night before ko lang nabasa yung script before ako pumunta sa first shooting day tapos dun ako nag-workshop kay direk Laurice Guillen before yung first scene namin. So buong movie hirap na hirap din ako mag-focus kasi pumapasok din ako sa shooting ng walang tulog dahil galing ako sa ibang taping naman din,” said the Moon of Desire star.

JC said working with Erich Gonzales and Enchong Dee was also a good experience. “Si Enchong very nice, actually he’s very down-to-earth, very accommodating. Mabait siya, masarap siyang kasama sa set kasi very friendly to everyone. Kung ikaw yung makakatrabaho niya, makakagaanan mo talaga siya ng loob. Si Erich naman at first I thought that she was a silent person pero she’s also very nice. Mahilig siyang makipag-kuwentuhan and marunong siyang makisama sa ibang tao. Maayos siyang katrabaho,” he shared.

His Once a Princess co-stars were nothing but helpful to him on and off the set. “Nagawa ko siya with the help of Erich and Enchong, kaya lagi kong sinasabi na suwerte ako na sila katrabaho ko kasi alam nila kung ano yung pinagdadaanan ko sa buhay (laughs), walang tulog tapos supposedly cranky ka na dapat pag ganun, mahirap ka na kausap di ba? Pero since mabait nga yung mga kasama ko at very generous sila pagdating sa pagbigay ng mg acting skills nila, nagawa ko yung character ng maayos and si direk Laurice hindi niya ako piunabayaan. Every now and then nagbibigay siya ng tips on how to attack the specific scene. Ayun, natapos ko siya ng maayos and hopefully magustuhan niyo yung ginawa ko,” he said.

082014-jc_main.jpgFor him the most difficult scene to shoot in the movie were not the intimate scenes. “Lahat ng scenes para sa akin mahirap lalong lalo na yung first scene namin ni Erich na kailangan namin ma-establish na mag-asawa kami dun sa story. Nahirapan ako kasi akala ko may getting to know process pa between me and Erich and hindi naman kami napakilala personally. Nung umaga lang kami nagkita nung day nay un. Agad-agad eh kasi bigla akong pumasok and wala kaming time na mag-usap or mapakilala yung isa’t isa,” he explained.

The talented actor also said he will not deny why he had to do his best in this film. “Kasi may pressure. Very, very pressured ako lalong lalo na kay Erich kasi ang alam ko talaga, yung expectations ng mga tao para dito sa role na gagawin ko mahirap talaga kaya ako kinakabahan. Kaya ko kailangan ibigay talaga kung ano yung kaya ko ibigay and it turned out lahat pala ng mga eksena ganun kahirap (laughs). You have to do takes two and three times with the same intensity, the same level of acting and that’s why I’m very thankful kasi very generous silang dalawa na same level of intensity yung binibigay nila each and every take na alam naman namin na sobrang hirap. Si Erich balde-balde na yung iniiyak pero sa take two ganun pa rin yung iniiyak niya. So sino ako para hindi sumabay sa ganun? Nakakahiya di ba? Dahil sa kanilang dalawa yun,” he admitted.

If there is one thing he loves about his character Damian, JC said it is his inner strength and perseverance. “Si Damian gustong gusto ko yung character kasi talagang ipinaglalaban niya yung love for Erin tapos hindi siya titigil hanggang hindi siya minamahal pabalik. So yun yung gustong gusto ko sa character kasi warrior siya. Ipaglalaban ka niya. Yun lang, sa sobrang pagmamahal, nagiging destructive na pala siya. Yun lang siguro yung part na talagang nangyayari sa totoong buhay yung hindi mo na na-ko-control yung sarili mo pag na-i-in love. Pero over all gustong gusto ko yung character. Gustong gusto ko kung paano niya tinahak yung journey from being rich to nawala din lahat sa kanya tapos kung paano niya ide-diretso yung buhay niya, kung paano siya hahanap ng happiness. So mapapanuod niyo sa movie kung paano yung journey nung character at makikita niyo talaga yung struggle pagdating sa pag-ibig,” he said.