Davao officials reject Ramon Bautista’s apology

Davao officials call Ramon Bautista’s public apology ‘half-baked’ and reject it

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/20/2014 2:04 PM
Davao officials reject Ramon Bautista’s apology


Sa abs-cbnnews.com, nagdesisyon ang Davao officials na wag tanggapin ang public apology ng komedyante na si Ramon Bautista. Hindi diumano sincere ang paghingi ng paumanhin ng komedyante.

Dagdag pa ni Davao City Councilor Tomas Monteverde kung bakit gano’n ang kanilang naging desisyon, “We have to draw to line. When your guest starts to insult you, insult your women, we cannot have that.”

Isa si Bautista sa mga celebrity guests sa Kadayawan Invasion event noong Sabado, August 16 kung saan tahasan niyang sinabi sa mga manonood na, “Ang daming hipon dito sa Davao."

Ang hipon ay isang local slang term para sa mga babae na pangit ang mukha ngunit maganda ang katawan.

Nilinaw ni Monteverde na hindi banned sa pagbisita sa Davao ngunit hindi siya “welcome.”

Binigyang diin din ni Monteverde ang mensahe kung bakit kailangan nilang ideklara na persona non grata si Bautista. "There is a need for us to say to the world that in Davao City, we do not allow people to insult our women.”

Sa pamamagitan ng kanyang twitter account, ipinahayag naman ni Bautista ang kanyang saloobin. “I respect the decision of the Davao officials, and I will abide by it.”