Character Actor ginawa nang tubig ang alak!

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

8/20/2014 7:06 PM
Character Actor ginawa nang tubig ang alak!


ogieblind-item.jpgHindi pa rin talaga kaya ng batang character actor na iwasan ang bisyo ng pag-inom na ang nangyayari pag nalalasing siya ay "nawawala na siya sa kanyang sarili."

Kaya nga rin siya naging kontrobersiyal dahil merong nagreklamo ng harrasment, tapos, ilan na rin ang naanakan niya, inisplitan niyang syota, at aksidenteng kinasangkutan niya dahil nga sa pag-inom-inom niya. 

Nariyang nang-iiwan pa raw ng bill at yung mga waiter ang nag-aabono dahil kilala nga siyang tao at hindi iisiping hindi siya magbabayad. At eto na nga, pag may nakikitang bakla daw ang lolo mo ay niyayaya niyang makipag-"bonding" sa kanya sa kotse para "mairaos lang ang kati." 

Ang latest nga ay nung mag-taping ito ng isang contest kung saan pansin ng mga staff ay parang nanginginig ang mga kamay nito. "Ganyan talaga yan pag hindi nakakainom. Yan na ang epekto sa kanya, para siyang may Parkinson's Disease." 


Saka iniiwasan daw ito ng staff ng naturang contest dahil nangungulit daw palagi at kung anu-ano ang pinagsasasabi na mga walang kawawaan.  


Ako nga mismo ay hinayang na hinayang sa character actor na ito na napakahusay namang umarte ay kumbakit ginawa na niyang tubig ang alak, kaya naman madalas din siyang mapahamak due to drinking. Kelan kaya siya matututo? Sayang siya, guys, no?