JK Labajo reveals how he was bullied in school

JK Labajo reveals his challenging past and thanks his bashers and haters.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/19/2014 10:15 AM
JK Labajo reveals how he was bullied in school


081814-JK1_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinambulat ni The Voice Kids finalist Juan Karlos “JK” Labajo ang ilan sa mga hindi magagandang experiences niya habang siya ay lumalaki.

Sa tulong ng kanyang lola na si Erlinda Labajo, binigyang linaw kung bakit hindi accepted si JK ng kanyang stepdad. Kwento ng lola ni JK, noon pa man ayaw niya na mag-asawa muli ang mama ni JK dahil may JK na ito at isa pa, walang trabaho ang stepdad ni JK.

At nang may mga anak na nga raw ang mama ni JK sa pangalawang asawa, ay ramdam diumano ng Lola ni JK na hindi accepted si JK ng stepdad niya dahil hindi niya kadugo si JK. Mabuti na lang dahil laking Lola si JK simula nang maipanganak ito at bihira lang ito pumunta sa stepdad at stepbrothers niya.

Bukod dito, naikwento rin ni JK na lagi siyang nabu-bully sa kanyang school. Itinulak daw siya minsan at nasugatan siya nang matumba siya sa kalumpon ng mga bulaklak na bougainvillea. Minsan naman daw nagpapahinga si JK sa lilim ng mango tree ay nilapitan siya ng bullies at sinuntok siya. Tinatawag din siyang “Amerikanong hilaw.”

Pero sa halip na magtanim ng galit sa mga taong hindi tumanggap sa kanya, nagpapasalamat pa si JK sa kanila. “I want to thank the bashers and the haters, naging motivation po kayo.”

Ayon pa kay Lola Erlinda, kahit maraming nam-bully kay JK, ay marami din naman daw nagkaka-crush dito sa school.

Sinabi rin ni JK na “Stoelz” ang apelyido ng kanyang biological German dad at ang Labajo na ginagamit niya ay apelyido ng kanyang ina.

Naglambing ang lola ni JK at pumayag si JK na kantahan ito ng “Rolling in the Deep” habang nakaakbay sa kanyang lola.