Ejay Falcon speaks up about being linked to Sunshine Cruz

Ejay Falcon admits admiring and being close to Sunshine Cruz, but says, ‘Nahihiya ako sa tao, nahihiya ako kasi ang dami niyang pinagdadaanan.’

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/19/2014 10:26 AM
Ejay Falcon speaks up about being linked to Sunshine Cruz


081814-Ejay1_main.jpgSa endorsement launch ni Ejay Falcon, nakapanayam siya ng ilang mga press at dito nabanggit niya ngang nakapagpundar na siya sa kanilang probinsya sa Mindoro at nakabili na ng aniya’y maliit na coconut farm. “Coconut, yun talaga yung pinagkakakitaan ng tao dun.” 

Masaya si Ejay kung nasaan siya ngayon pero kung sakaling kinailangan na bumalik siya doon, tanggap naman niya. “Ngayon kasi masaya ako kung nasaan man ako ngayon, naeenjoy ko na yung pag-aartista at mahal ko na yung trabaho ko pero kung babalik man ako sa buhay na yun, kaya ko pa rin, kaya ko pa ring tanggapin. Dati, wala ako kaya kong mabuhay dun siguro ngayon mas kaya ko kasi nakaipon na rin ako ng konti. Pero siyempre masaya ako ngayon sa trabaho ko, dito na muna ako.”

Kaya naman ngayong nakakapag-ipon na si Ejay at mas nasasa-ayos ang kanyang personal na buhay, natanong naman siya kung kamusta ang kanyang buhay pag-ibig sa kasalukuyan. “Wala, wala po akong girlfriend, wala po akong nililigawan ngayon kasi gusto ko samantalahin yung pagkakataon na kapag nabigyan po ako ng project kailangan ko po talaga mag-focus, magconcentrate dun sa trabaho kasi ang hirap kaya kailangan ko po talaga ibigay ang 100% ko dito.” Ngunit bukas naman sa posibilidad si Ejay na kapag dumating ay hindi niya ito ipagwawalang-bahala. “Hindi ko naman sinasara ang pintuan. Kung darating man yung babaeng yun tignan natin. Basta alam ko sa sarili ko na ready naman ako, hindi ko pa lang siguro nahahanap or hindi pa nagpapahanap or hindi pa nagpapakita.”

Naitanong na rin ay Ejay ang pagkakaugnay niya sa dating co-star na si Sunshine Cruz. Napapabalita ang diumano’y panunuyo ni Ejay sa aktres at agad naman itong itinangging ni Ejay. “Nahihiya ako sa tao, nahihiya ako kasi ang dami niyang pinagdadaanan. Parang kailan nga lang may nabasa ako na nagpresscon ata siya tapos nabasa ko, nahiya ako kasi ang daming pinagdadaanan ng tao tapos may ganun pang intriga na hindi naman talaga totoo.”

Isa pang isyu ay ung kahit na aminado sina Ejay at Yam Concepcion na nagkaroon sila ng relasyon, ay patuloy pa ring nanunuyo ang binata kay Sunshine. “Kasi lahat ng kasama namin sa Dugong Buhay alam naman nila na nung time na yun inamin ko naman, naging si Yam [at ako], so paanong magiging kami? So malabo, malabo siguro. Naku si Ms. Shine nahihiya talaga ako sa kanya. Tinetext ko siya, nahihiya ako sabi ko pasensiya ka na marami kang pinagkakaabalahan ngayon, pero okay lang naman siya, tinatawanan lang niya. Anak kasi tawag niya sa amin ni Arjo [Atayde] eh so nahihiya talaga ako sa kanya.” 

Ngunit hindi naman itinanggi ni Ejay na naging malapit siya kay Sunshine. “Lahat naman, ganun naman ako sa lahat ng mga nakakatrabaho ko eh. Lahat naman sila nagiging close sa akin, lahat pati lalaki, pati babae. Lalo na siya nanay ko siya so yung eksena namin kailangang makita na hindi kayo nagkakailangan, so importante yun at mabait naman siya.

 “Kung ako yung tatanungin sa totoo lang, ‘Wow! Sunshine Cruz, ang ganda ni Ms. Shine’ pero siyempre nahihiya ako kasi ang daming pinagdadaanan nung tao. Siguro kung ako lalaki magiging idol ako ng kapwa ko lalaki, magiging totoo yun kasi si Ms. Shine yun pero hindi talaga eh, nahihiya talaga ako kay Ms. Shine, pasensiya na.” 

Maging ang napapabalitang pagkakaroon ng palitan ng text sa pagitan ni Sunshine at Ejay ay binigyang-linaw din ng actor. “Hindi talaga totoo. Siguro textan kapag lalabas na ‘Uy nandiyan na ba kayo?’ Pero hindi yung sweet na.” At alam niyang magkaibigan si Sunshine at ang kanyang dating girlfriend na si Yam kaya aniya, malabo ang napapabalita sa kanilang dalawa na nakikipagtext pa siya kay Sunshine kahit na sila ni Yam noong mga panahon na iyon. “Ay hindi, hindi talaga. Magkaibigan yun eh. Parang ang tanga-tanga ko  naman na itetext ko yung kaibigan ng girlfriend ko, mali naman yun.”