“Finally, I can keep up with my children now. So I am very, very happy now that I have adapted to a different lifestyle. Of course I sleep better now, I drink a lot of water, ayaw ko ng ma-stress na... Now, my children, we get to travel together and next year bibiyahe naman kami ni Luis, Adi at Enzo, we are going to New Zealand and Australia. Dati-dati hindi ko sila nasasabayan because thery are 19, 21 and 33 but now I feel more fit. We went to Istanbul and Lebanon, Dubai, yun ang ginagawa namin.”
Si Luis Manzano ay panganay nila ni Governor Vilma Santos-Recto, habang si Enzo at Adi naman ay anak niya sa dating modelong si Rinna Santos. Ipinagmamalaki ni Edu ang mga nagagawa niya na ngayon kasama ang mga anak. “Lahat, all sports. I have never tried skydiving but I am taking diving kasi gusto ko makasama si Luis sa diving but everything. Dati-dati shopping lang hindi ko nasasabayan eh ngayon kayang-kaya ko na.”
Napunta na rin ang usapan sa panganay niyang si Luis at ang relasyon nito ngayon sa aktres na si Angel Locsin. Bukas na pinag-uusapan nina Luis at Angel ang plano nilang magpakasal at lumagay sa tahimik. Kaya naman nang kunin ng Push ang panig ni Edu dito, nakipagbiro pa ito sa press at sinabing, “Kayo lang naman ang nag-uusap diyan eh, hindi ko alam kung nag-uusap yung dalawa diyan.” Ngunit para sa kanya, ayaw niyang makialam sa kung ano man ang magiging desisyon ni Luis at Angel. “Hindi ko naman tinatanong yun eh saka besides they are at the peak of their careers, they are doing very, very well. I don’t think they feel any pressure so I will make them decide if the big day will come. So if it comes, it comes.”
Pero hindi itinatanggi ni Edu na nais niya na ring magka-apo, na aniya’y mas makakadagdag pa ng inspirasyon sa kanya. “Well the more the merrier, well maganda nga na habang sila nag-eenjoy ng kanilang buhay, iiwan yung mga apo sa kanilang mga lolo at lola.”
Ngunit sinabi nitong hindi niya pinipilit o pinepressure na magka-apo na siya sa kanyang panganay na si Luis lalo pa at napag-uusapan na ang planong pagpapakasal nila ni Angel, “No, ako bahala sila sa buhay nila. I think the parents ay walang karapatan na mag-comment sa love life ng kanilang mga anak. Kasi sila ang makakasama ng tao habambuhay.”
Kwinento din ni Edu na kapag may pagkakataon ay nakakasama niya ang magkarelasyon. “We have regular dinners… but you know para sa akin, now na unti-unti silang lumalayo sa akin, hindi sadya but, I mean its part of their growing up, I want to hold on to them as much as possible.”