Anne Curtis denies love woes with boyfriend Erwan Heussaff

Anne Curtis denies breakup with boyfriend Erwan Heussaff.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/19/2014 10:32 AM
Anne Curtis denies love woes with boyfriend Erwan Heussaff


082014-Anne_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, muling itinanggi ni Anne Curtis na break na sila ng kanyang nobyo na si Erwan Heussaff. Hindi rin diumano sila nagkakaroon ng problema.

More than four years na raw sila ni Erwan, ayon sa aktres. Nang tanungin siya kung totoo na hindi “friendly” si Erwan, sinabi ni Anne na sa showbiz lang gano’n si Erwan kasi friendly naman daw ito lalo na kapag “he is within his element.” Kwento ni Anne, masayahin si Erwan lalo na kapag pagkain ang napag-uusapan kasi forte niya ito.

Gusto magpakasal ni Anne at the age of 33, at gusto niyang magka-baby two years after her wedding o pwede din naman daw magka-baby na “agad-agad” kapag kasal na siya. Gusto rin ni Anne magkaroon ng two kids.

Napag-usapan ang paganap ni Anne bilang obese sa pelikulang The Gifted. Na-realize diumano ni Anne na hindi madali maging mataba dahil kailangan mo ng katulong para makagalaw.

Nagbreak-out din ng kaunti ang balat ni Anne sa mukha dahil sa prosthetics na nilalagay sa mukha niya. Kwento ni Anne, dalawang oras ang pagkabit ng prosthetics at super init diumano ng fat suit na suot niya sa pelikula.