Gerald Anderson chooses not to work with Kim Chiu

Gerald Anderson says that being paired with either Kim Chiu and Maja Salvador will just stir up issues so he would rather not work with them.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/15/2014 10:20 AM
Gerald Anderson chooses not to work with Kim Chiu


081514-gerald_main.jpgSa ginanap na contract signing ng ilan sa mga malalaking artista ng Star Magic sa ABS-CBN, kabilang si Gerald Anderson sa pumirma ng two-year contract sa network. Aniya, “Thank you, thank you. Nakakatuwa, and I am just happy na at least may ilang years pa ako para magbigay saya sa mga fans, magpatunay pa ng galing sa ABS.”

Kamakailan nga ay nakapunta sa South Africa si Gerald para makapagbakasyon. Sinasabing sumunod siya sa girlfriend na si Maja Salvador na may trabaho nabanggit na bansa. At nang kamustahin ang kanyang pagpunta sa South Africa, “Sobrang saya, it was a great experience, ang ganda sa South Africa. Nag-ATV (all-terrain vehicle) lang ako, nakakita ako ng giraffe, ng rhino. Sobrang ganda ng experience nandiyan lang sila so anytime pwede kang sugurin, yung feeling na yun na sa wild ka talaga.”

At sinabi nga nito na nagkaroon pa sila ng pagkakaton para mas makapagbonding ni Maja at mas magsama ng matagal. “Oo naman, oo naman, mas makikilala mo yung ganung sitwasyon.”

Kamakailan din sa ASAP ay nagkaroon ng production number sina Kim Chiu, Maja Salvador at Gerald Anderson na magkakasama. Kaya naman may ilang mga fans at tagasuporta lalo na ng tambalan na Kimerald, na umaasang umpisa na ito na maaring magkasama muli sa isang proyekto ang dating magka-love team. Kaya naman nang matanong ng Push si Gerald kung bukas ba siya sa posibilidad na makatrabaho muli ang dating ka-love team, “Alam mo kasi ang problema lang diyan masyadong mangingibabaw yung personal eh. People will talk about our personal lives instead of the project. Sayang lang yung project kung maganda so mas mabuti kung hindi kasi kumbaga if something’s okay, ayaw mo naman palalain yun.”

Masaya si Gerald na maayos na sila nina Kim, maging sina Kim at Maja kaya naman mas gusto niya na lang manatiling maayos ang lahat kesa mabahiran ng intriga ang kanilang magiging pagsasama. Naging bukas na rin noon si Gerald sa ilang mga panayam na kung maari ay ayaw niya rin makatrabaho ang kasintahang si Maja. Pero kung saka-sakali, meron bang makakapagpakumbinse kay Gerald para makatrabaho ang isa man lang sa kanila, “Nothing will convince me, walang makaka-convince. Gaya ng sinabi ko kahit ganun kaganda yung istorya pero kung ganun yung mga artista na gaganap tapos mas pag-uusapan, yun.”