Toni Gonzaga on sister Alex: ‘Ako na naman ang tama’

Toni Gonzaga talks about teaching her sister Alex Gonzaga how to handle issues and controversies.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/14/2014 10:24 AM
Toni Gonzaga on sister Alex: ‘Ako na naman ang tama’


081414-toni_main.jpgMuling pumirma ng multi-picture contract ang Multimedia Star na si Toni Gonzaga sa Star Cinema. “I am very happy na once again I am officially a Star Cinema talent, maraming-maraming salamat sa Star Cinema for the trust at sa pagkakataon na marenew ako. Maraming, maraming salamat. I have grown so much with Star Cinema, not just as an actress but as a person dahil sa mga beautiful films na nagagawa ko sa kanila, ang dami kong natutunan. I am really excited and I am looking forward to another great year of partnership with them.”

Matapos ang box office hit nilang pelikula ni Piolo Pascual na Starting Over Again na kumita ng halos kalahating bilyon internationally, natanong ng Push si Toni kung hindi ba siya nakakaramdam ng pressure sa mga susunod niyang proyekto na kung hindi man mahigitan ay mapantayan ang kanyang huling ginawang pelikula. “Siguro I think one thing I have learned for ten years with Star Cinema, isa sa mga natutunan ko hindi araw-araw Pasko, parang ganun. May mga moments talaga na nabibigyan tayo ng blessing na kumita ng ganito kalaki yung pelikula or minsan tama lang, minsan breakeven so minsan hindi mo lang siya maabsorb lahat ng nangyayari, you are just really thankful and grateful kahit papaano, nabibigyan tayo ng mga proyekto na tinatangkilik pa rin. With the pressure, siguro sanay na rin na you put so much pressure on it na sana kumita. I guess the second one, ayaw ko na magpa-pressure, yung first kasi na ginawa naming na pelikula na Starting Over… hindi naman namin nilagyan ng pressure, pinagbuti lang namin. Siguro ano na lang more than pressuring myself, I’d rather put an effort and challenge myself to be better sa susunod na pelikulang gagawin.”

Ibinahagi din ni Toni na maliban kay Piolo na pangarap niyang makatrabaho noon, meron pa siyang isang artista na nais niyang makatrabaho kung mabibigyan ng pagkakataon. “Dati bago pa si PJ, isa sa mga pangarap kong makatrabaho ko si Bossing [Vic Sotto]. Yun naman ay pangarap lang, nandun pa din. Katulad ng kay PJ akala ko hindi mangyayari yung day na yun, yung moment na yun, na magkakatrabaho kami. Yung mga nagkaroon ng significant na ano sa buhay ko, siguro one day, hindi naman ako nagmamadali.”

At nang mapunta na sa usapin tungkol sa kanyang kapatid na si Alex na nahaharap ngayon sa mga intriga at kontrobersiya, tulad na lang ng nangyari sa kanila ni Ryan Bang, nagsalita si Toni tungkol dito. “Ano naman, siyempre may kasamang sabunot. I think one thing that’s good about my sister is she’s teachable, she is open to criticisms and she is open to accepting that she has done wrong at may mga mali siya. She is a work in progress, she is getting there sa maturity, and I cannot consider her a veteran in the business, she has still a lot to experience and yun siguro charge to experience ang mga nararanasan niya ngayon and it will help her to become a better person and hopefully help her to know handle situations like these.”

Ikwinento din ni Toni na kapag nahaharap si Alex sa ganitong mga klaseng problema, lumalapit siya sa kanya, “Oo, pero may hiya kasi alam niya na ang sasabihin ko kaagad, sabi ko sa iyo, hindi ka nakinig sa akin, ako na naman ang tama.”