• Home
  • Fresh Scoops
  • Fifth reveals why he chose to open up to Manolo about being bisexual

Fifth reveals why he chose to open up to Manolo about being bisexual

Manolo talks about the girls he dated and his friendship with Fifth

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/13/2014 11:00 AM
Fifth reveals why he chose to open up to Manolo about being bisexual


081314-fifth_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nakapanayam ni Kris Aquino ang mag-best friend na ex-housemates Manolo Pedrosa and Fifth Pagotan.

Aminado si Manolo na nasaktan siya nang umalis sa bahay ni Kuya dahil lahat naman daw ay gustong maging Big Winner, pero bago pa man ang eviction night ay naihanda na niya ang kanyang sarili na lumabas ng bahay ni Kuya.

Gusto diumano ni Manolo tapusin ang last year of High School niya sa La Salle ngunit hindi na siya sigurado kung pwede pa dahil nawala siya ng tatlong buwan. Kung sakali raw na hindi na siya payagang bumalik ay ipagpapatuloy na lang niya ito next year.

Lapitin diumano si Manolo ng mga babae kasi at the age of 16 ay nakadalo na ito sa limang proms. Ang mga school proms na nadaluhan ni Manolo ay sa Miriam College, Assumption College, Immaculate Conception Academy, Poveda at ang huli ay ang prom sa kanyang school. Para naman sa prom sa La Salle ay naging date niya ang girl mula sa Miriam College. Ayon kay Manolo, pinaka-close siya ang girl na ito bago siya pumasok ng bahay ni Kuya.

Nang tanungin naman kung ano ang talent niya, sinabi ni Manolo na may talent siya sa pagsayaw. Sa bahay ni Kuya, matatandaan na nang bumisita si Vice Ganda pinayuhan niya si Manolo na ‘wag mahiya kahit hindi siya magaling sumayaw dahil ang pagyakap niya sa kung ano man siya ang magbibigay ng ningning sa kanyang performances.

Gusto rin diumano ni Manolo maging magaling na host. Nagpasalamat si Manolo sa kanyang mga magulang dahil sa loob ng bahay ni Kuya na-realize niya na “I was really raised well.”

Gusto naman ni Kris si Manolo dahil hindi nito hinusgahan si Fifth nang lumapit ito sa kanya at inaming siya ay bisexual. Hindi rin natakot si Manolo na magkagusto sa kanya si Fifth, basta raw nasa isip niya ay “best friend” niya si Fifth. Si Fifth ang unang bisexual friend ni Manolo. 

Si Fifth naman, sinabi na inamin niya ang pagiging bisexual niya kay Manolo dahil nararamadaman niya na “hindi lang nakikinig si Manolo kundi nakakaintindi ito.” 

Aminado si Fifth na nandiyan pa rin ang takot sa magiging buhay niya pagkatapos ng Pinoy Big Brother. Doon daw kasi niya malalaman kung talagang tanggap na ng publiko ang pagiging bisexual niya.

Hangad naman ng magkaibigan na magpatuloy pa ang pagiging mag- best friend nila hanggang sa labas ng bahay ni Kuya.