• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino interviews Mayor Herbert Bautista for the first time after their well-publicized breakup

Kris Aquino interviews Mayor Herbert Bautista for the first time after their well-publicized breakup

Kris Aquino puts Mayor Herbert Bautista in the hot seat of Aquino and Abunda Tonight.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/12/2014 12:18 PM
Kris Aquino interviews Mayor Herbert Bautista for the first time after their well-publicized breakup


081114-kris2_main.jpgIsang malaking pasabog ang naganap sa Aquino and Abunda Tonight, nang sa unang pagkakataon ay ma-interview ng host na si Kris Aquino si Mayor Herbert “Bistek” Bautista matapos ang kanilang well-publicized na hiwalayan. Matapos ang hiwalayan, hindi itinago ng Queen of All Media ang sakit na dinanas niya dahil sa hiwalayang ito at dahil na rin sa pagpa-interview ni Bistek sa “Bandila” tungkol sa kanilang naging uganayan.

Buong programa naging guest si Bistek sa A&A at throughout the interview hindi natiis ni Kris na magbigay ng pahaging kay Bistek.

Napag-usapan ng dalawa kung bakit nanampal ng isang Chinese national si Bistek nang magkaroon ng isang drug bust operation sa Philcoa noong Byernes, August 8.

Kwento ni Bistek ay nahulihan ng 15 million worth of shabu ang Chinese national na si Zhen Xu na nakabalot pa sa mga “tightly sealed” na pakete, na aakalain mo na food product. Nakita rin niya na may LTO-issued driver’s license nasabing drug suspect.

Diumano, muntik pa nitong banggain ang ulo ni Bistek nang lumabas ito sa kotse. Natawa lang diumano si Bistek kasi may media at kailangan niyang mag-relax. Ngunit matapos ang interview ay sinimulan diumano niya itong i-interrogate. Una niyang tinanong kung saan nito nakuha ang droga at nang hindi ito sumagot, “Binigyan ko ito ng isa.” At sa pangalawang tanong raw, binigyan niya uli ito ng isa pang sampal ng ayaw nanaman sumagot. Paliwanang ni Bistek, nagawa niya ito dahil na rin sa udyok sa kanya ng “cameramen at media,” dahil daw sa tahasang pambabastos na ginagawa ni Mr. Xu sa authorities.

Nagparating naman ng apology si Bistek para sa “sa public, kay Chairperson Eta Rosales, especially to the youth.” Ayaw diumano niyang tularan siya ng mga future leaders ng bansa.

Nang sabihin ni Kris na kakampi niya si Mayor Rodrigo Duterte ng Davao, sinabi ni Bistek na, “By nature hindi ako nanakit ng tao e. Hindi ako physically nanakit ng tao.” Natawa naman si Kris nang sinabi ito ni Bistek at saka sinabi ng host na, “Physically ha, yan ang sinabi mo. kinlaro mo yan Mayor. Pasensiya na.”

Sa kasalukuyan raw ay nakakulong si Mr. Xu without bail. (continued on next page)
081114-kris_main.jpgNapag-usapan rin ang kagustuhan ni Bistek na ibalik ang death penalty dahil na rin maraming foreigners ang overstaying at gumagawa ng krimen sa bansa. Ngunit ayon kay Bistek, hindi naman kailangan ang capital punishment kung mapapagtibay ang mga institutions katulad ng Land and Transportation Office and the Department of Immigration.

Napag-usapan rin ang Quezon City issues katulad ng stand niya about garbage dumping operations sa Payatas. Ayon kay Bistek, ire-relocate na ito at pinag-aaralan na lang ang additional cost at kung saan ito ililipat. Maari raw na sa Rizal or Navotas ito ilipat dahil meron mga land fills sa nasabing mga lugar.

Ang “plakavest” naman ay pinag-aaralan pa raw ng legal department kung isasa-batas ito. Kahit na raw kasi additional cost ito para sa mga motorista ay malaki ang maiitulong nito sa pagligtas ng buhay.

Ano naman kaya ng plano ni Bistek for 2016? Sagot ni Bistek, pababayaan niya ang Liberal Party magdesisyon para sa kanya pero kung siya ang tatanungin ay mas gusto niyang tumakbo for “re-election.”

Sa isang punto sa interview, nang igiit ni Bistek na re-election lang ang gusto niya, ay isang pilyang banat nanaman ang nagmula kay Kris, “Bakit ka galit sa akin, di ka dapat magalit.” Hindi naman malaman ni Bistek kung ano ang kanyang isasagot.

Ngunit ayon kay Bistek, pagdating sa presidential election this 2016 ay, “Personally, I’m going to push for Binay, Roxas tandem.”

Bago magtapos ang programa may pahabol pa si Kris na, “Hindi nanakit si Mayor, damdamin lang.” Ipinarating din ni Kris ang concern sa kanyang co-host na si Boy Abunda na may sakit. “Boy, I miss u so much. Tingnan mo tuloy ang nangyayari kapag wala ka. Nagiging Aquino and Bautista Tonight.”

Natawa si Bistek nang sabihin ito ni Kris at nagtapos naman ang interview nang sabihin ni Kris na, “Friends tayo” na sinang-ayunan naman ni Bistek.