Anne Curtis plays an obese genius in “The Gifted”

Anne Curtis’ latest role makes her realize how difficult it is to be on the heavy side.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/12/2014 12:10 PM
Anne Curtis plays an obese genius in “The Gifted”


081214-anne_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol, kakaibang roles ang gagampanan ni Anne Curtis at ni Cristine Reyes sa pinakabago nilang pelikula na The Gifted.

Si Anne at si Cristine ay gaganap na magkalabang genius na kapwa may mga kinakaharap na physical challenges--si Anne ay obese at si Cristine naman ay ubod ng pangit.

Ani Anne, dito niya natutunan kung gaano kahirap maging “weight-challenged.” Payo pa ng aktres, “You should take care of yourself kasi ang hirap gumalaw.

"This is my way of finding out how hard it is.” Kinailangan ni Anne magsuot ng fat suit at maglagay ng prosthetics ng ilang oras.

Si Cristine naman pabirong sinabi na “Sobrang hirap kasi ang hirap daw ako papangitin eh.”

Makakasama ng dalawang aktres si Sam Milby sa The Gifted na directed by Chris Martinez.

Isang honor din para kay Anne ang mapabilang sa Time Magazine’s 50 Smartest Celebrities on Twitter. Kasama ni Anne sa listahan si Leornardo Di Caprio, Oprah Winfrey, Usher, Beyonce at iba pa.