• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca admits considering marriage with Filipino-Australian girlfriend

Jake Cuenca admits considering marriage with Filipino-Australian girlfriend

Jake Cuenca says the he isn’t getting any younger and is considering tying the knot.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/12/2014 7:49 AM
Jake Cuenca admits considering marriage with Filipino-Australian girlfriend


081214-jake_main.jpgSa katatapos na unang kabanata ng top-rating teleserye na Ikaw Lamang, ang mahusay na pagganap ni Jake Cuenca bilang kontrabida ay hindi matatawaran. Kaya naman ilang mga pagkilala ang nagawad kay Jake sa kanyang pagganap bilang ang kinamumuhiang si Franco Hidalgo. Sa panayam sa kanya ng Push at ilang press, natanong siya kung hindi ba siya nangangamba na mula sa paggawa ng mga bida roles ngayon na nalilinya siya sa pagiging kontrabida. “Whether it be… na natatypecast ako bilang kontrabida… I love getting the reaction from people, kumbaga pinakaimportante sa akin nakakakuha ako ng reaction sa tao, they love what I do.  As long as gabi-gabi they watch me, they go through the journey with me, masaya na ako.”

Ngayon ngang nasa pangalawang kabanata na ang serye at napalitan na ang ibang gaganap, kabilang si Jake, ibinahagi niya ang knayang plano para sa sarili, “I am actually going to study in New York for a month. I am leaving after the show. Magaaaral muna ako.” Nakatakdang mag-aral ng acting class si Jake kung saan, ayon sa kanya, “It’s where Marlon Brando studied, James Dean, all my idols, Robert de Niro, Sean Penn.”

Ibinahagi din ni Jake na nasa estado siya ng buhay niya ngayon na magaganda ang nangyayari sa kanyang buhay ngunit hindi niya iikinakaila na nakakaramdam siya ng kaunting pressure. “It was a lot of pressure kasi parang sa akin, I am given a situation in my life where everything is falling in its place so parang ako I just want to work hard.”

Si Jake na rin mismo ang nagsabi na maganda ang nangyayari sa kanyang buhay, maging sa kanyang personal na buhay. Hanggang ngayon nga ay masaya sila ng kanyang Filipino-Australian model-girlfriend na si Chanel Olive Thomas, kaya naman natanong ng Push kay Jake kung may plano na rin ba siyang lumagay na tahimik. “Settling down? I am not getting any younger, I have an amazing girlfriend, I love my girlfriend, and let’s see.”

Sinabi din ni Jake na napag-uusapan rin nila ng kanyang girlfriend ang kasal. “Napag-uusapan naman but let it just happen by itself.” 

Sa ngayon ay masaya si Jake sa nagiging takbo ng kanyang buhay ngunit, tulad din ng ibang artista, nais niyang ihiwalay ang nangyayari sa kanyang personal na buhay at trabaho. “A lot of people hate me because of the show but… they respect what I did with my personal life, I want to respect my personal life and let it happen by itself.”