Aktor na lulong sa casino, ipinablotter ng bading?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

8/11/2014 10:49 PM
Aktor na lulong sa casino, ipinablotter ng bading?


081114-casino_main.jpg"Oo, pina-blotter ko na kasi tama ba namang pati kami eh idamay niya sa init ng ulo niya porke natatalo na siya nang malaki?"

So ano ba ang umpisa ng kuwento?

"Actually, mga three times ko na siyang nadadatnan sa online casino.  Obviously,  tulad ng mga dati pang balita sa kanya eh talagang 'yun na ang second home niya.  Sabi ng kahera, natatalo na si Justine, kaya medyo mainit na ang ulo niya that time.

"Eh, maliit lang naman 'yong place, kaya naririnig-rinig niya 'yung pagtitilian namin ng mga bading pag nananalo kami.  So siyempre, medyo maingay, di ba? Tapos, maya-maya, bigla siyang sumigaw, pinagmumumura kami. Parang teka muna. Ba't kami ang pinagbalingan ng init ng ulo niya, di ba?

"Nagalit siya.  Sabi ba naman, 'Mga bakla kayo! Malas na nga kayo, maingay pa kayo. Mga gago!'  So, sinagot namin ng, 'Bakit po? Ano po problema n'yo sa amin?  Natural lang naman na masaya o napapasigaw kami pag nananalo.  Sugalan po ito.  Alangan namang papalakpak kami nang malakas o tatalon-talon kami? O di kaya eh itulak namin ang mga upuan sa saya?'

"Sagot niya, 'Aba, namimilosopo pa kayo.  Gusto n'yong masuntok o mabaril?' Tapos, tinawag niya 'yung guard, 'Guard, palabasin mo nga ang mga baklang ito!  Nanggugulo, eh!'  Kami pa ang nanggugulo, huh!  Kaya umalis na lang kami at nagpa-blotter."

Oh, well... ano naman kaya ang panig ni Justine? Tama ba ang nakarating sa aming kuwento?  Anyway, sana nga,  kung totoo mang natatalo siya ay sana, sa mga susunod na pagkakataon ay manalo na siya.

At kung totoong sinabi niya ang mga katagang "Mga bakla kayo....malas na nga kayo..." ay hindi maganda.  Lalo pa't minsan isang panahon ay kumapit din naman siya sa mga bading para manalo sa buhay.