Kathryn Bernardo at Miles Ocampo, may tampuhan nga ba?

Busy lang o di nagkakaunawan?

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

8/10/2014 9:42 PM
Kathryn Bernardo at Miles Ocampo, may tampuhan nga ba?


081114-kathmiles_main.jpg 

Mahigit isang buwan na ring tinatanong sa akin ng mga supporters nina Kathryn Bernardo at Miles Ocampo, kung may tampuhan nga ba ngayon ang dalawa. Hindi na raw kasi sila nagpopost ng pics together tulad ng dati, at may ilang pang nakapansin na tila wala ring pinost si Miles na photo to support Kath and Daniel Padilla's movie, She's Dating The Gangster

Alam naman nating lahat gaano ka-close ang dalawa, with Julia Montes. Hindi ko nakakausap si Kath about this, pero si Miles ay natanong ko na. 

"Hi, mother D! Sorry po now lang nakasagot. As far as i know po, wala naman kaming problema ni Kath. Siguro po kaya maraming nagtatanong kasi di po kami nakikita magkasama ni Kath lately. Nagkataon po kasi parehong busy, busy siya sa work, ako rin po busy sa work and sa school. :)," ang text sa akin ni bebe Miles. 

Sana nga ay busy lang ang dalawa, at wag nang bigyang kulay pa. Thanks Miles. Kath text me lang. ?