• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz denies she that she is reason behind Ejay Falcon and Yam Concepcion breakup

Sunshine Cruz denies she that she is reason behind Ejay Falcon and Yam Concepcion breakup

Sunshine Cruz admits that she has suitors but chooses not to be involved until the annulment is done; denies Ejay Falcon is courting her.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

8/2/2014 2:45 AM
Sunshine Cruz denies she that she is reason behind Ejay Falcon and Yam Concepcion breakup


011714-Sunshine_Main.jpgSa pinakabagong endorsement launch ni Sunshine Cruz para sa isang slimming toothpaste, naka-two piece ang aktres sa pictorial na kanyang ginawa para sa produkto. Inamin ni Shine na nagdalawang-isip siyang gawin ang pictorial ng naka-two piece noong una, “Sa totoo lang nagdalawang isip ako and I spoke to the stylist nung una and sinabi ko na, ‘ I don’t think I can wear two-piece’. Sabi ko magprovide kayo ng one piece at unfortunately walang nagkasya sa aking one-piece, maluwag. So sabi nila ito Ms. Shine, e ayaw ko kasi maging cause of delay, tapusin na. Ang akin kasi let us get this over and one with, let’s go, let’s go.” Dagdag pa niya, “Paano naman, kitang-kita pa rin ang pusod… at sa FHM wala akong pusod, malaki yung bikini.”

At wala din namang naging problema sa kanyang mga anak ang kinalabasan ng kanyang pictorial kung saan naka-two piece ang kanilang mommy. Kwento ni Shine, “Tinatanong ko sila. And heto naman, after the pictorial, the raw photos pinakita ko sa kanila kasi kumuha ako. Sabi nila, ‘Wow Mom you are so sexy’. Wala naman silang sinabing masama so ibig sabihin approved naman sila.” 

Natanong din siya kung kaya niya ba ginagawa ito ay dahil may gusto siyang patunayan at iparamdam ang panghihinayang sa kanyang dating asawa na si Cesar Montano. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyari sa kanilang naging pagsasama lalo pa at mas naging kawalan ni Cesar. “E yun naman ang laging sinasabi ng mga tao, ang mga tao ang nagsasabi pero wala na yun, tapos na yun. So nakakatuwa, nakaka-flatter na yung mga tao sinasabi na parang walang three kids, saan daw galing yung mga bata, yung mga sexy pa din daw kahit may tatlong anak yun yung mga ganun nakakatuwa naman.” 

Kaya naman ngayong sexy at nasa magandang lugar sa buhay niya ngayon si Shine, hindi na pinalagpas pa ng Push itanong kung marami na bang nagpaparamdam at umaaligid sa kanya at nanliligaw. “Meron naman talaga yung mga ganun, yung mga nagungulit-ngulit and my kids are aware of that.” Ngunit sinisiguro ni Shine na hindi niya ito pinapapunta sa kanilang bahay para umakyat ng ligaw. “Hindi ko pinapadalaw kung hindi rin lang yun yung pangmatagalan, hindi ko yun ipapakilala sa mga anak ko.” Dahil ayon kay Shine sa kanyang mga manliligaw, “Kasi wala naman sa ngayon akong nakikitang pangmatagalan.”

Ngunit nang tanungin kung may mga mas bata bang nanliligaw sa kanya, “Hindi ko na iniisip kung bagets sila o hindi.” Naging malinaw si Shine ngayon na kung siya ang masusunod, ayaw na niya ng mas matanda sa kanya. “Yes although mahirap magsalita ng tapos pero sa ngayon talaga kung may preferred ako na age, mga 30s hanggang 40s.” Kung matatandaan, 14 years ang age gap nina Sunshine at ni Cesar. 

Ibinahagi din ni Sunshine kung paano nagpaparamdam ang kanyang mag manliligaw. “Siyempre may mga text, may mangungulit. Hindi mo na nga rereplyan magtetext pa rin. Tapos ako naman open naman ako sa kanila na nasa process pa ako ng annulment and not until tapos yun hindi pa ako pwede makipagdate. So sinasabi naman ng iba hihintayin nila matapos yung annulment. So natatawa naman ako, alam mo naman ang mga lalaki, hindi ko naman nilalahat pero marami ang bolero diyan. Nagkamali na tayo minsan, hindi na tayo dapat magkamali ulit.” 

At kung showbiz ba non-showbiz, ang natatawang sagot ni Shine, “Hindi ko na lang sasabihin kasi baka mahanap niyo pa siya.”

At nang mabanggit ang pangalan ni Ejay Falcon, na naging anak niya sa seryeng Dugong Buhay, ang kanyang naging tugon, “Saan?” Consistent ba, “Saan?”

Sa pakikipagkaibigan daw, “Walang ganun, bata pa yun.” 

Sa mga panayam kay Ejay, itinatanggi niya din ang napapabalitang ugnayan nila ni Sunhine ngunit ayon sa ilang mga reports na parehong nandun din sa mga events kung saan naroon si Ejay. May feelings daw ang binata sa kanya na an ganging sagot ni Shine, “May feelings? Ano yun?”

At dahil sa mga sagot ni Shine, natanong kung wala din bang feelings at kung may pag-asa din ba na napatigil na nagingiti si Shine ng bahagya at sinabi na lamang na, “Bakit naman magkaka-chance?” At sinabing, “Huwag na ibahin na lang natin, walang ganun.” 

Kaya naman nang tanungin kung may kinalaman ba siya sa sinasabing naging hiwlayan ni Ejay at Yam Concepcion, kahit na hindi pa man opisyal na umaamin na naging sila talagang dalawa, iniwasan na ito ni Shine, “Naku utang na loob umalis na tayo diyan…Naku wala naman akong kinalaman dun.”