• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee chooses not to confirm name of non-showbiz girlfriend

Enchong Dee chooses not to confirm name of non-showbiz girlfriend

Enchong Dee evades Boy Abunda’s questions about his girlfriend’s identity.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

8/1/2014 11:27 AM
Enchong Dee chooses not to confirm name of non-showbiz girlfriend


080114-enchong_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, pinili ni Enchong Dee na ‘wag na lang magsalita nang tanungin tungkol sa mga babaeng na-link o nali-link sa kanya.

Sinabi ni Enchong na hindi niya niligawan at hindi niya naging girlfriend si Erich Gonzales. Niligawan niya si Julia Montes, ngunit hindi nakapagsalita si Enchong nang tanungin kung naging sila ni Julia. Hanggang ang nasabi na lang nito ay “that’s [the] past, Tito Boy!” 

Totoo rin na si Erich ang nagpayo kay Enchong na i-try ang isang non-showbiz girlfriend. Hindi naman siya napaso sa isang past relationship, pero sa isang relationship daw kasi na pareho kayong nasa showbiz ay “everyone is in the relationship, every one has their say.”

Point blank din siya tinanong ni Boy Abunda kung ang non-showbiz girlfriend niya ay ang fashion model na si Samantha Lewis. Pinili itong ‘wag sagutin ni Enchong kahit na mapilit si Boy na sagutin niya ito. Tumawa si Enchong at sinabing, “you just said I can choose not to answer.” Ayaw ni Enchong sagutin ang tanong dahil “I don’t want anyone to be involved.”

Hindi rin sadya ang pagputok ng balita na si Enchong ay may non-showbiz girlfriend. Napag-usapan lang diumano ito sa isang pictorial and the next thing he knew “na pick-up na.” Sinabihan diumano si Enchong ng girlfriend niya to warn her kapag may sasabihin siya about them kasi ayaw niya nang nagugulat. Ngunit sinabi ni Enchong na hindi din niya alam na ganun ang mangyayari.

Hindi na rin si Enchong apektado sa mga intriga na binabato sa kanya. Isa na dito ang intriga na hindi totoong siya ay may girlfriend. 

Tinanong siya kung okay lang sa kanya na magkaroon ng girlfriend na katulad ni Nikki Gil na may “no sex before marriage” policy. Ayon kay Enchong, irerespeto niya kung ano ang gusto ng babae. Hindi na rin virgin si Enchong.

Ipapalabas na ang Once A Princess na pagbibidahan ni Enchong at Erich. Madali lang daw para kay Enchong na makatrabaho ang batikang direktor na si Laurice Guillen dahil “you have to be prepared when you come to the set.”