• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador on her singing career: ‘Mas confident na ako kahit papaano’

Maja Salvador on her singing career: ‘Mas confident na ako kahit papaano’

Maja Salvador admits she is constantly trying to improve her talents.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

7/9/2014 8:38 AM
Maja Salvador on her singing career: ‘Mas confident na ako kahit papaano’


070914-maja_main.jpgMaja Salvador has proven herself as a true talent whether it comes to dancing, acting, and now singing. In her upcoming one-night only concert at the Music Museum on July 12, Maja said she is excited for the repertoire.

Maganda rin yung timing kasi after The Legal Wife eto na. So sobrang masaya lang ako na madaming blessings na dumadating sa akin at nasa tama lang yung timing sa pagbuhos ng pagbuhos. Sa lahat ata ng kakantahin ko excited ako at kakabahan ako kasi halos lahat sobrang bago para sa akin kasi hindi naman ako bumibirit, hindi naman ako diva pero thankful ako na yung musical director ko kasi meron siyang mga hinanda na mga kanta ko dito na may konting twist. Hindi ko masabi kung anong exactly gagawin ko pero surprise yun. Siyempre expect niyo na may sayawan din. May iba't ibang levels ng pagkanta. Hindi lang puro new songs. Siguro ang pinakabagong mga kanta yung mga nasa album ko tapos yung iba may mga hugot kasi it yung paborito kong kantahin sa videoke,” she shared during her blogger's conference held last July 3 at the Black Kitchen in Quezon City.

As a big fan of Jennifer Lopez, Beyonce, and Britney Spears, Maja said she grew up dreaming of becoming as good as her idols on stage. “Pag nag-ko-concert sila nangangarap na ako, parang nag-iimagine na ako na nag-ko-concert ako. Ginagaya ko sila, ginagamit ko yung hagdanan ng tita ko sa house. Kunyari kakanta kanta ako, hawak ko kung hindi shampoo yung suklay, ganyan. Kasi since sumasayaw ako, gusto ko matututnan kumanta kasi gusto ko maging total performer. Parang ang sarap sarap kasi sa pakaramdam yung sumasayaw ka tapos kumakanta ka tapos na-a-appreciate ng mga supporters yung ginagawa mo para sa kanila. Maganda kasi kapag nakikita nila na ini-enjoy mo yung ginagawa mo. Isa yun sa happiness ko, ang mag-perform. Paborito ko rin kasi si Jaya kasi maka-Bobby Andrews and Angelu De Leon love team ako nun (laughs). Yung mama ko binibilhan niya ako ng mga shades kasi yung mga shades ginagawa ni Angelu na headband? So habang naka-ganun ako Angelu-style, yung boses ko naman Jaya (laughs). Kasi di ba lahat ng movies nila si miss Jaya ang kumakanta. Abangan niyo yun,” she recalled.


070914-maja_main.jpgAside from her songs, Maja said she can't wait to show her fans all the fabulous outfits being prepared for her. “Kahapon nag-meeting kami ni Rex Atienza (stylist) tapos pinakita niya sa akin yung mga pinagawa niya. Naloka ako (laughs). Feeling ko may fashion show ako. Eh kasi masuwerte lang din ako ang stylist ko is Rex Atienza kasi parang alam niya kung ano yung mga gusto kong suotin, alam niya kung saan ako kumportable at kung saan ako gaganda at babagay yung mga damit para dun sa ipe-perform ko. Ang gaganda. Isa yun sa pinaka-na-excite ako sa concert ko kasi,” she said.

Out of the four male celebrity guests for the show, the 25-year-old performer said she is most excited about her song number with Piolo. “Siyempre si Piolo Pascual yun. Kasi nakakasayaw ko naman si Enchong (Dee), si Enrique (Gil) and Rayver (Cruz) pero first time ko makipag-duet with Mr. Piolo Pascual. Kahit noon pa man hindi ko naman tinatago na malaki ang paghanga ko kay Mr. Piolo Pascual so excited ako dun sa kakantahin naming duet. Sana nga hindi ako matawa kasi tuwing magkikita kami ni Papa P puro kalokohan na yung mga ginagawa ko sa kanya. Sana maging serious ako nung moment na yun,” she admitted.

In preparation for her concert, Maja said she has been focusing on her voice lessons. “Nag-start na rin ako mag-aral kumanta so sana mag-survive ako (laughs). Sinasabi ng teacher ko na medyo mataas nga daw, dinadaan ko kasi sa linoloko loko ko. Siyempre bilang hindi naman talaga ako singer na singer talaga, may mga kailangan ako pag-aralan, kailangan ko yung mga technique na tinuturo sa akin yung teacher, kung saan mo huhugutin yung boses mo. Unti-unti feeling ko minsan pag nag-pe-perform ako feeling ko nag-iiba na yung boses ko. Pero maganda yung kinakalabasan. Siguro mas confident na ako kahit papano sa pagkanta. Going there (laughs),” she said.

Aside from personalized lessons, Maja said she has also appreciated getting advice from her friends in ASAP. “Nung nasa ASAP backstage kami, si sir Martin Nievera meron siyang tinuro sa akin na two-minute voice lesson and every time na kakanta ka tapos may high note dapat daw nakabuka yung mata mo. Kay sir Gary V. naman sabi niya just enjoy. Actually yun naman yung importante di ba? Ma-enjoy ko at ma-enjoy niyo yung performance,” she said.

After the success of The Legal Wife, Maja said it is the perfect time to focus on building up her singing career. “Ngayon since wala pa namang teleserye eto muna tayo. Nag-fo-focus muna ako sa aking album tour and then after ng concert I think dun mag-start pi-pitch ng new teleserye,” she said.


070914-maja_main.jpgFor her second album, Maja said she hopes she can collaborate with one particular artist. “Favorite ko kasi si sir Gary V. eh so nangangarap akong magkaroon ng duet sa kanya or magka-collaboration kaming dalawa. Kasi parang sobrang fan ako ni sir Gary, kung ano yung mga message ng mga kanta niya, kung paano siya mag-perform, iba eh, sobrang iba. Nainngit nga ako eh, diba si Young JV may collaboration with sir Gary? At maganda yun ah,” she added.

The pretty singer also wanted to share some advice to those like her who have always dreamed of having their own concert. “Believe yung title ng album ko kasi mula sa umpisa nag-believe ako. Parang naniniwala ako na one day  kung ano man yung mga pangarap ko matutupad yun, hindi man agad agad ibibigay ng Diyos pero kinapitan ko lang yun at yun binigay niya. So believe and it will happen. Huwag ka mag-give up kung ano man yung pangarap mo dahil kahit yung mga imposibleng bagay puwede maging posible basta magdasal lang. Sobrang kakampi ko siya eh. Sobrang nakalimutan ko na lahat pero siya hindi talaga. Hindi porke't gumiginhawa na yung buhay mo makakalimutan mo na siya. Hindi, mas lalo mo siyang kakapitan,” she said.