• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda labels fight between him and Vic Sotto a hoax; Boy Abunda gives advice

Vice Ganda labels fight between him and Vic Sotto a hoax; Boy Abunda gives advice

Vice Ganda says Vic is his idol

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/8/2014 8:40 AM
Vice Ganda labels fight between him and Vic Sotto a hoax; Boy Abunda gives advice


070814-vice_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, may kumakalat na link na naglalaman diumano ng mga patutsada at masasakit na salita ni Vic Sotto para kay Vice Ganda. Reaksyon lamang daw ito ni Vic sa naunang pang-iinsulto ni Vice laban kay Vic. Nagbigay naman ng comment si Vice Ganda tungkol sa nasabing issue."It';s a hoax. Gawa-gawa lang ng mga praning."
 
Sinabi rin ni Vice kung bakit napaka-imposible na magkatotoo ang ganong issue. "Napaka-imposible naman. Vic Sotto is an icon. As a comedian na nagsisimula pa lang he's my idol, di ba, gaganunin ko yung icon ko? Wala naman sa character nung tao na gagawin niya yun."
 
Nagpa-abot din ng kanilang opinion ang mga hosts na sina Kris Aquino at Boy Abunda. Ani Kris naniniwala siya kay Vice na walang ganoong nangyari. Dagdag pa ni Kris, "Si Vice, ma-respetong tao. He is very opinionated but he knows how to respect especially those in the industry who went ahead of him and who are icons like Vic Sotto."
 
Si Boy naman nagsabi na ang sigurado ay may mga taong pinagsasabong si Vic at si Vice. Kaya bilang manager daw ay may tatlo siyang advice para sa ganitong sitwasyon.
 
"Una, let the people know the truth" Ayon kay Boy,  ipaalam agad sa mga tao gamit ang social media accounts o kaya sa pamamagitan ng press conference na hindi totoo ang  kumakalat na balita. Pangalawa, importante raw na mag-reach out sa taong involve lalo na kung hindi kayo close. Sa case daw ni Vice, dapat ipaalam ni Vice kay Vic through a common friend na hindi ito totoo. At kapag daw lumala, saka gawin ang pangatlo na,"go for your legal remedy."
 
 
Dagdag pa ni Boy wala sa karakter ni Vic na gagawin ito at ayon naman kay Kris si Vic ay "isa sa pinaka-kalmado, cool-headed at secure sa kung anong meron siya."