• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga isn’t entertaining thoughts of being in a relationship

Alex Gonzaga isn’t entertaining thoughts of being in a relationship

Alex Gonzaga says that sister Toni Gonzaga does not want her to get involved with a man who is in show business.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/8/2014 9:20 AM
Alex Gonzaga isn’t entertaining thoughts of being in a relationship


070814-alex_main.jpg
Ibinahagi ni Alex Gonzaga na pangarap niya nang makaggawa ng isang remake ng Koreanovela tulad ng Pure Love. “Parang hindi talaga ako makapaniwala kasi ito talaga yung pinapangarap ko dati, no joke talaga, gusto ko magka-Koreanovela talaga. Ito talaga yung nirerequest ko kahit nung nasa kabila pa ako ito talaga ang nirerequest kong ganitong klaseng serye at ngayon na ito meron na at ia-air na siya hindi pa rin ako makapaniwala. Sobrang thankful ko talaga.” 

Kasama niya sa serye ang aminadong nanliligaw sa kanya ngayon na si Arjo Atayde ngunit aminado si Alex na hindi siya sigurado kung talaga bang nanliligaw ang binatang aktor sa kanya. “Hindi kasi hindi talaga siya formally nagsabi although hindi naman uso yun, pero hindi naman siya formally nagsabi na ano ba dapat ang panliligaw kung magsasabi siya o mag-I love you siya wala kaming ganun. And as much as possible kung nandiyan si Arjo I really make it casual na parang ano talaga tayo friends.”

Ngunit nang may nagtanong kay Alex kung ang basa niya ba sa panliligaw ni Arjo sa kanya ay tulad ng pamagat ng kanilang teleserye na Pure Love ang agad na naging sagot ni Alex, “Ayaw ko muna try basahin kasi wala pa tayo dun… sa totoo, kapag kunwari kapag may nagpaparamdam sa akin hindi ko ineentertain yung thought. Hindi ako nagiging interested sa topic na yun kasi alam ko sa sarili ko na ayaw ko pa naman.”

At sa tanong na, “Hindi closed yung doors mo?” ang diretsong naging sagot ni Alex dito, “Right now it is.”

Ngayong magkatrabaho nga ang dalawa, aminado si Alex na nung simula ay nagkakailangan talaga sila sa mga eksena. “Siyempre oo, nung una kinakausap kami ng production people pero since si Arjo, madali ka namang magiging close sa kanya kasi bubbly yung personality niya, parehas kami so swak talaga.” Pero iginiit ni Alex na hinid naman apektado ang pagkakaibigan nilang dalawa. “Hindi naman.” 

Ngunit nang matanong na kung ano ang tingin ng kanyang ate na si Toni Gonzaga tungkol sa panliligaw sa kanya ni Arjo, hindi itinanggi ni Alex na nakikialam talaga ang Ate niya pagdating sa kanyang love life at ang ayon sa kwento ni Alex, “Kasi ang ate ko as much as possible ayaw niya talaga ng showbiz. So ayaw niya eh.”

Kahit na hindi nais ng kanyang ate na magkaroon siya ng karelasyong taga-showbiz, at hindi niya pa rin iniisip ang pumasok sa isang relasyon, ayaw pa rin namang magsalita ni Alex nang tapos sa patungkol sa kanilang dalawa ni Arjo. “Siyempre ayaw ko munang magsalita ng tapos kasi alangan na sabihin ko na wala, wala, wala, wala tapos the next day kami. So ayaw naman natin kainin yung mga sinabi natin pero hindi ko talaga kasi iniisip pa yung mga ganun, seryoso.”