• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo on Daniel Padilla: ‘Hindi ako nagsasawa sa kanya’

Kathryn Bernardo on Daniel Padilla: ‘Hindi ako nagsasawa sa kanya’

Kathryn Bernardo shares why she is proud of Daniel Padilla.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

7/5/2014 11:15 PM
Kathryn Bernardo on Daniel Padilla: ‘Hindi ako nagsasawa sa kanya’


070614-kathrynmain.jpgKathryn Bernardo said she is excited for fans of her love team to see Kathniel's latest project, the Star Cinema movie She's Dating The Gangster. “Sobrang layo niya sa mga ginawa namin ni DJ (Daniel Padilla) kasi pang-fifth na namin ito na movie ni DJ and masasabi ko na ito yung pinakamalaki na siguro at seryoso. Sa lahat ito na siguro yung mas mature siguro kasi makikita niyo sa trailer nahirapan talaga kami ni DJ gawin yung mga characters namin kasi meron kaming book na pinaggayahan tapos may dinagdag pa kaming ibang mga input. Napakaganda yung pelikula, ibang iba siya sa lahat,” she shareD during the She's Dating The Gangster grand presscon held last July 4 at the Dolphy theater inside the ABS-CBN compound.

After their Primetime Bida hit series Got To Believe, the talented actress admitted she feels honored to be given another starring role in another major movie which has scenes in scenic places like Mayon Volcano. “Pumunta kai sa Legazpi, Albay. Two hours kaming nag-ATV para papunta dun sa Mayon volcano. Super ganda, makikita nila sa movie na marami kaming shoot sa Bicol. Bilang leading lady ni DJ siguro para mabigyan ka ng isang role na parang isa ka na sa mga leading ladies of course nakakatuwa yun, ibig sabihin nag-grow ka na rin and siguro feeling ko pag leading lady ka mas marami kang chance na mag-portray ng iba’t ibang roles na hindi ko naman talaga nagagawa sa totoong buhay. So parang napapasok ako sa iba-ibang character ng tao,” she said.

Kath said she is also very proud of how DJ had grown after first working with him in Growing Up in 2011. “Nakita ko kasi siguro halos simula nung nakasama ko siya, payat pa siya nun tapos iba pa siya, masasabi ko na nakita ko kung paano siya nag-grow as a person and as an actor since nag-show na kami at naka ilang movies na rin, sobrang na-pa-proud ako sa kanya ngayon kasi nakita ko kagaya niya na mahal na niya talaga yung trabaho niya. Dati naglalaro laro lang siya, ganyan ganyan. Pero ngayon nag-concert na siya sa Araneta. Ang dami na rin niyang nagawa kaya sobrang proud ako sa kanya.  Okay din kasi habang tumatagal kaming magkasama hindi ako nagsasawa sa kanya, masarap kasama si DJ. Masarap siya kasama. Parang may baby ka na kasama. I mean baby as in literal na baby (laughs),” she joked.

070614-kathryn_main.jpgEven with her career on the rise, the 18-year-old actress said she and DJ do not let fame get to their egos. They just want to do their best and follow the path of other successful love teams that came before them. “Alam naman natin na maraming mas nauna sa amin na loveteam like si Bea-John Lloyd, Jericho-Kristine and fan kami nila so ayoko sabihin na tatapatan namin sila or gusto namin mas aagatan sila, pero sa halip maging inspiration namin kasi ang dami pa naming kailangan matutunan eh kasi ang dami talaga naming natututunan every shooting day. Marami pa talaga kaming matututunan sa process na ito. So sila yung mga inspiration namin and sana one day maging katulad nila kami kasi nakita naman natin yung mga pelikula nila na tumatak sa ating lahat yung One More Chance, ganyan,” she shared. 

During the Ipresscon, many commented on how “blooming” Kath was and her happy aura in general. When asked to comment if she believed in the saying love makes women more beautiful, she answered, “Siguro ang puyat nakakaganda (laughs). Feeling ko pag masaya ka. In general yes ang pag-ibig nakakaganda,” she said.