• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado denies choosing “Hawak Kamay” over “Sana Bukas Pa Ang Kahapon”

Iza Calzado denies choosing “Hawak Kamay” over “Sana Bukas Pa Ang Kahapon”

Iza Calzado explains how she landed the role in “Hawak Kamay.”

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/5/2014 11:04 AM
Iza Calzado denies choosing “Hawak Kamay” over “Sana Bukas Pa Ang Kahapon”


070514-izza_main.jpgSa panayam ng Push kay Iza Calzado, ipinaliwanag niya ang kanyang gagampanang karakter sa isa sa mga pinakaaabangang teleserye sa Primetime Bida, ang Hawak Kamay kasama ang nagbabalik-serye na si Piolo Pascual. Kwento ng aktres, “Isa akong lawyer dito na ako po yung humahawak sa estate na naiwan na naiwan ng kapatid ni Piolo played by Jennifer Sevilla na husband ni Lander Vera Perez. Nung namatay sila, I took over the properties and of course making sure that the kids are well taken cared off and siyempre kailangan ko kasing makita na responsableng guardian si… Piolo, dun ako papasok sa story.” 

Kung matatandaan, ipinakilala si Iza noon bilang isa sa mga karakter sa umeereng serye ngayon ni Bea Alonzo na Sana Bukas Pa Ang Kahapon ngunit hindi na siya tumuloy pa at ngayon nga ay parte na siya ng seryeng Hawak Kamay. Kaya naman may impresyon ang iba na mas pinili niya ang serye ‘Hawak Kamay’ na agad namang binigyang-linaw ni Iza, “No. nung time po na sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, wala pa ito, hindi pa ito inaalok sa akin, promise. Promise, hindi pa inaalok. At that time actually I was going to do Showtime first which is hindi rin naman natuloy after at saka pumasok ito. Actually there was a day my director, John Moll, ‘Iz, kailan ka magso-soap ulit?” tapos sabi ko, “Ayaw ko muna, nakakapagod kasi mag-soap eh”. That very same day, I went home my manager called me and he said, “Handa ka na ba?’, “Na ano?”, “Mag-soap ulit”, “Oo naman, sige”, “Kasama si Papa P”, “O heto na handang handa na ako. Taping na ba bukas?” No, hindi ko ito pinagpalit kasi ang tagal na nun eh, January pa yung Sana Bukas Pa Ang Kahapon.’ Ito pumasok lang after Starting Over Again, I believe, March? Last week of March or April nung tinawag ito sa akin. Mga March kasi nagdu-dub pa ako sa Biggest Loser e.” 

At ngayong madalas na sila magkasama ni Piolo sa serye, hindi na rin pinalagpas na muling tanungin si Iza kung kamusta katrabaho si Piolo sa pagkakataong ito kahit na ilang beses niya na nakasama ang actor. “As always naman masarap at magaan katrabaho, mga moments na nakakakilig. Nakatingin ka lang sa kanya tapos tinitigan ka lang niya nakakakilig talaga.” Ibinahagi din ni Iza na isa talaga sa pangarap niya ang maging leading lady ng Ultimate Hunk, “And of course I will not deny this, this has been always one of my dreams in the business to be able to be paired up with him. We’ve worked together several times. I played his wife, his wife to search for. I have played his fiancée in Starting Over Again and I have never been his leading lady so this has been a wonderful opportunity na humbling at saka nakakatuwa at wala akong ibang mapagpasalamatan bukod sa Diyos kung di yung ating mga boss sa ABS-CBN.” (continued on next page)


070514-izza_main.jpgMalaki din ang pasasalamat ni Iza kay Piolo na pumayag ang aktor na maging leading lady niya sa isa sa mga inaabangang serye sa Primetime Bida, “Kasama na din si Papa P kasi he also has a say so I am also grateful na pumayag siya na ako ang kasama niya. Grateful din ako dahil dala ito ng Starting Over Again eh dahil hindi naman siguro ako nakasama dun, hindi din ako maiisip na malagay diti agad. Sa sobra ko lang grateful. Siguro ano na lang, everything is just coming together and some of it hindi ko pinangarap at hindi ko din plinano.” 

Kung mapapansin, nabibigyan ng maraming oportunidad si Iza ngayon pagdating sa kanyang karera, maliban sa pag-arte sa mga pelikula ta teleserye, katatapos niya lang mag-host ng The Biggest Loser 2: Pinoy Edition Doubles at nasubukan niya ring mag-host sa noontime show na ‘It’s Showtime’, at ayon sa kanya, ito din talaga ang rason kung bakit niya napagdesisyunang lumipat ng istasyon, tatlong taon na ang nakakaraan, “It’s exactly what I wanted, to be given an opportunity to test out several avenues. Yun yung isa sa mga rason din kung bakit siguro nagdecide ako na lumipat dito sa ABS-CBN at that time, almost 3 years ago. To explore different kinds of new things. Maraming naibibigay sa akin. Like yung ngayon it is not so heavy yung drama dito which I like and relate to.”