Arjo Atayde opens up about courting Alex Gonzaga

Arjo Atayde admits he’s not really vocal when it comes to courtship, but is determined to woo Alex Gonzaga.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/5/2014 11:30 PM
Arjo Atayde opens up about courting Alex Gonzaga


070614-arjo_main.jpgSa pag-amin ni Arjo Atayde sa panliligaw niya sa kanyang Pure Love co-star na si Alex Gonzaga, tinanong ng Push.com.ph ang aktor tungkol sa sagot ni Alex na di raw siyang sigurado kung talaga bang nanliligaw siya. “Yeah kasi ang problema is, I am not [more of] a vocal person when it comes to that. Torpe ako pagdating sa ganyan, I have to say I really am torpe but yun nga, this is the first time that I am being very vocal about it, sa pagkaka-crush ko sa kanya and the way I like her and everything. And I should say if her doors are closed, as long as her doors will open I will wait for her.” 

Pagdating naman sa mga magulang ni Alex na aminadong strikto sa kanilang mga anak, sinuguro ni Arjo na aakyat siya ng ligaw sa bahay. “I met si Mommy Pinty once when I was in Shangri-La pero that was way back pa na hindi ako artista. Of course, honestly speaking, I am an old school guy eh so courting in the house is my thing.”

Alam niya din na kailangan niyang ligawan ang mga magulang ni Alex pero mas nais niyang mas makilala ng husto ang ang co-star dahil maging siya aminado na sandaling panahon pa lang din sila magkakilala ni Alex. “Yeah, pero slow process kasi me and Alex are close but not super close yet. We have known each other for how many months pa lang, two, three months. We are still in the process of getting to know pero yun nga, ayoko magsalita ng tapos. Once she gives me a hint na parang she’s okay, I ‘m really good.”

Ngunit iginiit ni Arjo na hindi talaga siya vocal lalo na kapag pagdating sa ligawan, kungdi mas pinapakita niya ito sa mga gawa. Sa katunayan nagpapadala siya ng bulaklak at pagkain kay Alex. “I don’t say it naman talaga sa personal eh. Para sa akin ang advantage naman e kung may kilig siya kinikilig ako…”

Aminado si Arjo na galing siya sa isang mahabang relasyon at maging siya ay muling naninibago sa kung paano ba muling manligaw. Aminado din ito na kailanman ay hindi niya diretsong sinabing manliligaw siya kay Alex. Maaaring dahil hindi siya masyadong vocal kaya ang inaakala ni Alex na ang mga ginagawa ni Arjo ay hindi paraan ng panliligaw. “Yeah pero yun nga kasi honestly speaking I came from a long, long relationship. I came from an eight-year relationship, and siguro being in an eight-year relationship siguro hindi na ako marunong manligaw ng sobra kaya siguro namimisinterpret niya na baka nagpapadala lang.”

Ibinhagi din ni Arjo ang mga katangiang nagustuhan niya kay Alex. “Everything! Her qualities, her whole self, yung pagiging kumpleto niya. She is sweet, nakakatuwa, masarap kasama.”

Ngayong pursigido si Arjo sa panunuyo sa bunsong Gonzaga, natanong ng Push kung meron bang makakapagpapatigil sa kanya sa panunuyo kay Alex, at ang nag-iisang rason para ditto. “Yeah, I’ll stop’ kapag sinabi niyang stop courting me I’ll stop.”