Boy Abunda and Kris Aquino defend Gov. Vilma Santos

Boy Abunda and Kris Aquino say Gov. Vilma Santos is an exceptional person, public servant, and actress.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/4/2014 8:00 AM
Boy Abunda and Kris Aquino defend Gov. Vilma Santos


070414-aanda_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagpadala ng text message si Governor Vilma Santos patungkol sa pangba-bash ng netizens sa kanya dahil sa maling spelling niya sa note kalakip ng ensaymada na ipinadala niya kay Kris Aquino.

Ayon sa text message ni Ate Vi, “maliit na issue napalaki lang. Okay lang yan, honest mistake. Tomorrow is another day. Trabaho lang ako and that is important.”

Kung may bashers, maraming netizens din ang nagpaabot ng pagmamahal nila kay Ate Vi. Sinabi nila na hindi nagbago ang tingin nila kay Ate Vi at ang maliit na pagkakamali nito ay napagkita lamang ng pagiging totoong tao nito. Sinabi nila na patuloy nilang mamahalin at susuportahan si Ate Vi. 

Nagpahayag din si Kris ng saloobin tungkol sa mga nagsasabi na sinadya niya ang pag-post ng note ni Ate Vi para mapahiya ito. “I took offense sa mga nagsasabi na I meant her harm by posting that. I didn’t. I’m a fan, I’m a Vilmanian. It did not bother me. Ako po yung recipient nung card, kung ako nung binabasa ko hindi ko chineck, hindi ako nagpaka-English teacher dun sa card na yun. What touched me was the honesty, the sincerity, the genuine kindness that she showed me.”

Inamin rin ni Kris na nagkaroon siya ng pagkakamali. “Ang mali ko dun I also forgot that I do have one million followers on Instagram, so now I realize na my good intentions of showing my appreciation to her can be taken the wrong way.” 

Si Ate Vi rin diumano ang nagsabi kay Kris na, “Bina-bash ako Kris pero sabihin mo sa kanila na hindi ako perpekto, natututo ako araw-araw.” Kaya naman ayon kay Kris, bilib siya sa humility ni Ate Vi.

Ayon naman kay Boy Abunda, ang humility na ito at kagustuhan pang matuto ang “openness that is so unique kay Vilma Santos as an artist and as a person.”

Pangalawa raw, “ang pagkakamali ni Ate Vi ay walang kinalaman sa kanyang achievement as an actress and as a government servant. She is excellent in both.”

Pagpapatuloy pa ni Boy, “minsan umo-OA po tayo na sobrang kailangan tama ang mga pronouns, ang mga tenses, when in fact there are certain instances, lalo na kung ang correspondence e between friends (na) for as long as you’re able to deliver the message for the other person, para sa akin yun yung importante.”

At para kay Kris ang ginawa ni Ate Vi para sa kanya bilang kaibigan ay, “On a day I was feeling low, she lifted my spirit.”

Nagbigay din ng mensahe si Kris para kay Ate Vi. “I love you Ate Vi. I apologize Ate Vi sa stress na binigay nito sa ‘yo pero katulad ng sinabi ko sa ’yo you’re too blessed to be stressed.”

Pagtatapos naman ni Boy, “What she has done for us as an actress and as a public servant will always be more important than her little mistakes in grammar na lahat po tayo meron.”