• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo opens up about love, Matteo Guidicelli, and her parents

Sarah Geronimo opens up about love, Matteo Guidicelli, and her parents

Sarah Geronimo says that honor and respect for parents should not stop even after marriage.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/31/2014 10:40 AM
Sarah Geronimo opens up about love, Matteo Guidicelli, and her parents


073114-sarah_main.jpgHindi maikakailangang marami nang pinagdaanan si Sarah Geronimo pagdating sa kanyang buhay pag-ibig. At ngayong sa unang pagkakataon ay naging bukas siya sa publiko tungkol sa kalagayan ng kanyang puso. Sa ganda ng tinatakbo ng kanyang karera at personal na buhay, natanong ng Push si Sarah kung sa estado ba ngayon ng kanyang buhay ay may mahihiling pa siya. “Mahihiling? Basta maganda lang ang health ng bawat isa, healthy lang ang bawat isa at nagmamahal ang bawat isa.”

Nang aminin ni Sarah na boyfriend na niya si Matteo Guidicelli, marami ang natuwa at naglahad ng kanilang mga saloobin at iba-ibang mga pananaw tungkol sa bagong magkarelasyon. Kaya naman nang matanong si Sarah sa kanyang reaksiyon tungkol dito, “Siyempre hindi naman po namin mape-please lahat pero maraming salamat sa lahat. Kumbaga wine-welcome yung relationship namin so maraming salamat sa suporta.”

At ngayong tapos na ang The Voice Kids kung saan mula sa kanyang kampo ang nanalo, mas marami na bang panahon si Sarah na mas pagtuunan ang kanyang atensyon sa kanyang personal na buhay lalo pa at matagal ding naglagi si Matteo sa ibang bansa. “Balanse lang po. Siyempre kumbaga alam naman natin ang priorities ng isa’t isa. Pareho kaming nasa industriya kaya kailangan balansehin lang namin yung time ng bawat isa.”

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami ang hindi masyadong magagandang nangyari lalo na sa buhay pag-ibig ni Sarah. Kaya naman sa ngayon, masasabi ba ng Popstar Princess na ito na ang isa sa mga pinakasamayang yugto ng kanyang buhay? “Happiest time ever? Masaya naman po ako pero yung happiest siyempre hindi naman tayo nagrereklamo pero marami pa tayong gustong gawin para sa pamilya natin, para sa sarili din natin.” 


073114-sarah_main.jpgNoon pa man aminado na si Sarah na kahit tinitingala siya at iniidolo ng nakararami ay may mga insecurities pa rin ang Popstar Princess. Kahit na maganda na ang lagay ng kanyang puso, aminado si Sarah na hindi nawawala ang mga nadarama niyang mga insecurities. “Insecurities? Parang hindi ata matatapos yang insecurities. Siyempre marami pa rin tayong gustong gawin, for my personal growth, my own growth. Nandito tayo sa business na ito pero marami pa rin tayong gustong ma-accomplish ‘di ba? So yun.”

Natanong din si Sarah tungkol sa sinabi ni Judy Ann Santos, isa sa mga malalapit na kaibigan ng Pamilya Geronimo, na sinisiguro ni Judy Ann na gustong-gusto si Matteo ng kanyang mga magulang. “Bale ang masasabi ko dun basta hindi talaga dapat natatapos yung pag-honor at pagrespeto sa mga magulang hanggang ikasal ang isang couple kasi magiging magulang din nila yun hanggang sa magkatuluyan sila ‘di ba?” 

Kaya naman kung ang lahat ba ng nangyayari ay “perfect timing”, ang reaksiyon ni Sarah dito, “Perfect timing? Hindi ko masasagot yan kasi lahat naman ng ginagawa natin especially sa love is a risk diba so tignan natin.”