• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks recounts how she told her parents about her pregnancy

Melissa Ricks recounts how she told her parents about her pregnancy

Melissa Ricks reveals how her mom and dad reacted to her pregnancy

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/31/2014 9:15 AM
Melissa Ricks recounts how she told her parents about her pregnancy


073114-melissa_main.jpgEkslusibong kinompirma sa TV Patrol ni Melissa Ricks ang kanyang pagbubuntis. Four and a half months na buntis si Melissa at ayon sa kanya siya ay “blooming kuntento at masaya.”

Hindi naman daw niya tinago ang kanyang pagbubuntis. “It’s just that nobody asked and I was looking for the right timing when to tell people.”

Dagdag pa ni Melissa, “I’m excited and very nervous.” Malaking parte raw ito ng pagtanda at isang malaking responsibilidad.

Paano nga ba sinabi ni Melissa ang kanyang pagdadalang tao sa kanyang mga magulang? Tumutulo ang luha ni Melissa nang ikwento niya kung paano siya lumapit sa kanyang parents.

Dala ni Melissa ang kanyang teddy bear nang pumunta siya sa dad niya, ngunit bago pa man niya sabihin tinanong na siya nito kung buntis siya. Akala ni Melissa, madi-disappoint ang kanyang dad ngunit “he wasn’t, he just told me to take care of myself.” Matapos ang dalawang linggo, saka naman siya nakahanap ng lakas ng loob para magpadala ng e-mail sa kanyang Ina. Nagpadala raw ng sagot sa kanya ang kanyang mom at “to my surprise hindi rin siya galit.”

Mag-iisang taon na ang relationship ni Melissa with her non-showbiz boyfriend. Unang apo raw ang kanyang baby on both sides of the family at masaya rin si Melissa sa support na pinapakita ng mga tao sa kanya. “Kahit yung mga friends ni Charles sobrang babait nila sa akin.”

24 years old si Melissa at wala siyang balak iwan ang showbiz.