• Home
  • Fresh Scoops
  • Coleen Garcia says she’s not the cause of Billy Crawford and Nikki Gil breakup

Coleen Garcia says she’s not the cause of Billy Crawford and Nikki Gil breakup

Coleen Garcia talks about her relationship with Billy Crawford and says she’s not the reason for Billy-Nikki Gil breakup.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/31/2014 9:20 AM
Coleen Garcia says she’s not the cause of Billy Crawford and Nikki Gil breakup


073114-coleen_main.jpgMatapang na hinarap ni Coleen Garcia ang maaanghang na tanong sa kanya sa Aquino and Abunda Tonight.

Sinabi ni Coleen na gumaan ang pakiramdam niya matapos nilang aminin ng kanyang boyfriend at It’s Showtime co-host Billy Crawford ang kanilang relasyon.

Ayon sa kanya, noong hindi pa nila isanasa-publiko ang kanilang relationship ay nakaramdam siya ng pressure. “It’s the pressure of putting a label on the relationship, because I felt like we didn’t need that label any more because in my heart I knew naman how I felt about him.

Lalo pa raw niyang pinahahalagahan ang kanyang relationship with Billy dahil sa gusto si Billy ng kanyang pamilya. “Right now, he really gets along well with my family and that’s a big factor to me because my mom, she’s very honest when it comes to my relationships. So she tells me, and this time I’m just really happy that my family is happy [with my relationship]. I’m the kind of person who thinks talaga what other people feel especially my friends and my family.” 

Hindi alam ni Coleen kung kailan nagsimulang manligaw sa kanya si Billy dahil “it’s something that developed over time.”

Alam ba ni Coleen na tatanungin siya ni Billy na maging girlfriend niya nang sinundo niya si Billy sa airport at 4 am? “Yes,” ani Coleen. Dagdag pa niya, “well he asked me every day.” Nakangiting ikinwento ni Coleen ang pagiging makulit at persistent ni Billy. Four times a day daw si Billy nagtatanong ng “can you be my girlfriend?” Pero mas nasurpresa diumano si Billy nang sagutin niya ito. “I don’t think that he had any idea though that I would say yes right there and then.” 

Walang problema kay Coleen ang 10-year age difference nila ni Billy. Pero bakit nga ba ang tawag sa kanya ni Billy ay “boss lady?” Does Coleen boss him around? Pabirong sagot ni Coleen, “No, I don’t boss him around, I just dictate to him.”

“Boss lady” diumano ang tawag sa kanya ni Billy dahil “whenever he needs advice with certain things he always comes to me first.” At nagawa rin ni Coleen ang isang bagay na napakahirap gawin at yun ay maipon ni Coleen ang mga kaibigan ni Billy in one event. Nagawa ito ni Coleen for Billy’s birthday. “He told me it’s really difficult to do that because his friends don’t really listen to anybody.” Kaya raw ngayon, “boss lady” na rin ang tawag sa kanya ng mga kaibigan ni Billy. 

Tinuldukan na ni Coleen ang tanong na matagal nang naglalaro sa isip ng publiko. Siya nga ba ang dahilan ng breakup ni Billy at Nikki Gil? “Definitely not,” ani Coleen. Handa rin si Coleen na magkita sila anytime ni Nikki.

Kasama si Coleen sa isang Cinemalaya film kung saan ginampanan niya ang isang daring role. Aminado siya na binantayan siya ni Billy. Hindi lang “bodyguard” ni Coleen si Billy, “stylist” din niya ito dahil nagsa-suggest diumano si Billy pagdating sa kanyang susuotin, buhok pati makeup.

Is Billy worth fighting for? Sagot ni Coleen ay “absolutely.”