Nikki Gil still believes in ‘no sex before marriage’

Nikki Gil says her decision to reserve sex for marriage doesn’t affect her relationship with BJ Albert.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/30/2014 9:20 AM
Nikki Gil still believes in ‘no sex before marriage’


Masayang nagkwento si Nikki Gil sa Aquino and Abunda Tonight tungkol sa bago niyang mga projects. Walang takot din niyang sinagot ang mga tanong tungkol sa kanyang love life.

073014-nikki_main.jpgBibida si Nikki sa isang musical na pinamagatang The Last Five Years. Kinanta niya para sa mga hosts ng programa ang isang excerpt sa “Still Hurting,” isang kanta sa nasabing musical. Dahil sa ganda ng kanta at ng mensahe nito, nangako si Kris Aquino at Boy Abunda na papanoorin nila ang The Last Five Years.

“Surreal” rin diumano na maka-trabaho niya si Piolo Pascual sa teleserye na Hawak Kamay sapagka’t idol niya si Piolo. Kwento pa ni Nikki, naka-take seven ang isang kissing scene nila ni Piolo.

Kumanta si Nikki ng ilang linya sa kantang “Babalikan Mo Rin Ako” na nagustuhan ni Kris. Mukhang nakakonekta si Kris sa kanta dahil pinaulit niya ang title ng kanta. Ani Kris, “I love it so much.”

Tinanong rin si Nikki kung totoo na rebound relationship lang niya ang kanyang boyfriend na si BJ Albert. Ayon kay Nikki, “that’s unfair because I know myself and I know what I want. Nag-isip ako.”

Kinompirma ni Nikki na hindi pa rin nagbabago ang kanyang desisyon na i-reserve ang sex after marriage. Nakangiting sinabi ng singer-actress na, “I think every one knows and have made fun of it.” Nang tanungin ni Boy kung hindi nagiging problema sa kanila ni BJ ang “no sex before marriage.” “Not at all,” mabilis na sagot ni Nikki.