• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy Abunda and Kris Aquino defend Sen. Nancy Binay’s SONA gown

Boy Abunda and Kris Aquino defend Sen. Nancy Binay’s SONA gown

Boy Abunda and Kris Aquino recall their bad fashion days, defend Sen. Nancy Binay.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/30/2014 9:25 AM
Boy Abunda and Kris Aquino defend Sen. Nancy Binay’s SONA gown


073014-kris-boy_main.jpgSa ulat ni Marie Lozano para sa TV Patrol, namili ang netizens via abs-cbnnews.com ng best dressed sa State of the Nation Address 2014.

Nanguna sa listahan ang kapatid ng Pangulo at Queen of All Media na si Kris Aquino na may 6,400 na boto at sumunod naman si Rep. Lucy Torres Gomez na binigyan ng 4,392 votes ng netizens. Pangatlo naman sa listahan si Heart Evangelista. Pang-apat si Sen. Grace Poe at panglima si Tootsy Angara, na asawa ni Sen. Sonny Angara. Pasok rin sa top 10 si Loren Legarda, Mommy Dionisia Pacquiao, Pia Cayetano, Sol Aragones at Stella Quimbo.

Pang-pito sa listahan si Mommy Dionisia na nakakuha ng 879 votes kumpara sa kilalang fashionista na si Pia Cayetano na nakakuha naman ng 784 votes.

Kung may mga napuri, naging tampulan naman ng biro ang suot ni Sen. Nancy Binay na nasa 17th place sa poll. Pumanghuli naman sa listahan ang Impeachment group sa number 20.

Napag-usapan rin sa Aquino and Abunda Tonight ng mga hosts ng programa ang SONA red carpet fashion. Pinasalamatan ni Kris Aquino ang gumawa ng kanyang gown na si Cary Santiago. Ayon sa kanya, ginawa ito ng nasabing designer sa loob lang ng anim na araw at si Cary din ang namili ng kulay.

Si Randy Ortiz diumano ang gumawa ng “voluminous” gown ni Sen. Nancy na nakumpara sa “hot air balloon.” Pagtatanggol naman ni Kris kay Sen. Nancy ay “the very fact na pinag-usapan ka, means you’re relevant.” Nangyayari rin diumano ang mga panlalait na ganito maging sa mga sikat na celebrities katulad ni Kim Kardashian.

Maging si Kris ay dumaan sa phase na mahilig siya magpakita ng “skin” ngunit na-outgrow na niya ito. Si Boy Abunda naman, nagkwento rin na malimit niyang pinagtatawanan ang kanyang sarili kapag nakikita niya ang pictures ng kanyang mga naging kasuotan. Minsan pa raw ay naiitanong niya kung saang planeta siya nanggaling.

Ayon kay Boy, “it takes a lot of courage” para dalhin ang isang kasuotan at dumadating daw sa punto na “hindi ka na kumportable na diktahan.” 

Pinuri rin ng dalawa ang kasuotan ni Mommy Dionisia.