Jessy Mendiola at ama, nagkaiyakan nang muling magkita!

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

7/3/2014 3:31 PM
Jessy Mendiola at ama, nagkaiyakan nang muling magkita!


070314-darla.jpgMula nang makilala natin si Jessy Mendiola, naging open book na rin sa ating lahat ang kwento ng kanyang buhay, ng kanyang pamilya. 

Silang tatlong magkakapatid, kasama ang kanilang ina, ay matibay na nagsumikap para maitaguyod ang kanilang pamilya. Ito ay after bigla na lang mawala sa buhay nila ang ama. 

Pero kailan lang ay nagpost si Jessy ng picture nila ng ama, na magkayakap sa kanyang Instagram account. Tinanong at kinamusta ko si Jessy, kung ano ang naging saloobin niya nang muli nga silang magtagpong mag-ama. 

"Masaya ako siyempre, nung nakita ko siya ulit naiyak na lang ako. Walang galit, walang sama ng loob. Siguro kasi malaki na din ako. Siya din naiyak, I'm very blessed and lucky that God gave me a chance to see him again," text sa akin ni Jessy.