Kris Aquino reveals why she cried during PNoy’s SONA

Kris Aquino reveals another reason why she became emotional from PNoy’s speech

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/29/2014 8:00 AM
Kris Aquino reveals why she cried during PNoy’s SONA


072914-KRIS.jpgUsap-usapan ang naging State of the Nation Address ni President Benigno Aquino III dahil sa pagiging emosyonal nito.

Nabanggit nito sa kanyang SONA na “pangalawang buhay” na niya ngunit hindi pa rin mawala sa isip ang panganib na kinakaharap niya. Ayon kay PNoy, hindi maiwasan mag-isip sa tuwing umaakyat siya ng stage kung “huling araw na ba ito, may magtatagumpay ba sa paglagay ng bomba?” Sinabi rin niya na kung sakaling magtapos na ang kanyang pangalawang buhay ay kuntento na siya sa naabot niya.

Naging emosyonal si PNoy nang mabanggit niya ang kanyang mga magulang, na nakapagpaiyak rin sa mga kapatid ni PNoy lalo na kay Kris Aquino. Aniya, “Mga boss binigyan ninyo ako ng pagkakataon na pamunuan ang transpormasyon. Kung tinalikuran ko ang pagkakataon, parang tinalikuran ko na rin ang aking ama’t ina at ang lahat ng inalay nila para sa atin, hindi po mangyayari yun. Hangga’t nagsisilbi tayong lakas ng isa’t isa patuloy nating mapapatunayan na the Filipino is worth dying for, the Filipino is worth living for.”

Sa Aquino and Abunda Tonight, ikinuwento ni Kris na pinayuhan pa niya ang kanyang ate Balsy na “Ate smile, don’t cry” at hindi niya namalayan na siya na pala ang umiiyak.

Ngunit hindi lang pala dahil sa pagbanggit ng magulang nila kung kaya napaiyak si Kris. Binalot rin siya ng pangamba dahil sa walang takot na pagtalakay ni PNoy ng kanyang “mortality.” Ayon kay Kris, “I don’t want to face his mortality.”

Binati pa niya diumano ang Pangulo matapos ang SONA ng “great speech but please stay alive,” na sinagot naman ni PNoy ng “naman.” Pagpapaliwanag ni Kris, namatay ang kanilang ina na si Pres. Cory Aquino ng August 1 at maging si Ninoy Aquino ay namatay rin ng August. Kaya naman, ayaw daw nilang magkakapatid sa buwan ng August. Kahit na binalot ng takot, bilib naman si Kris dahil  sa pagtanggap ni PNoy na “this is all transitory.”

Napahanga rin siya sa pagpuri ni PNoy sa kanyang mga katrabaho at hindi ng sarili niya. “Everything that he is, is what I wish I could become.” Kung tutuusin daw, ay pwede tirahin ni PNoy ang kanyang mga detractors ngunit “not one did he hit.” 

Mas lalo pa raw sila naantig sa speech ni PNoy dahil “those last words, were not part of the speech” at hindi sila handa marinig yun. Ayon kay Boy Abunda, rebelasyon nga ang paglalahad ni PNoy ng kwento tungkol kay Vice President Jejomar Binay. Ipinaliwanag ni Kris ang buong kwento na may kinalaman sa pagkakaroon ng “pangalawang buhay” ng Presidente. “Kasi Boy, there were very few people who stood by us at that time, because a coup de etat comes at 3 am, 4 am. One of the few people who responded that time was Mayor Binay and ‘Noy did not forget that because that was when nabaril si ‘Noy.”

Ayon kay Kris, nais diumano iparating ni PNoy sa kanyang speech na “sa dami ng batikos sa akin the fact na na-survive ko yang bullet na yan kaya kong i-survive kahit na ano.” Nais rin sabihin ni PNoy sa mga tao na “mata sa mata, kaya niyang sabihin sa mga tao na I have done my best, hindi ko sinasabi that I hold all the solutions, pero hindi ako nagnakaw sa inyo.” 

Nagbigay rin ng opinion si Boy sa SONA ng Pangulo. “He’s a genuine man who wants genuine reforms.” Napaisip si Boy kung sino ang magpapatuloy ng mga nasimulan ni PNoy.

Nagustuhan din ni Boy ang videos na pinalabas sa SONA dahil sa pagiging totoo nito. Pinaliwanag ni Boy na may mga video kasi na malalaman mo kung “coerced” ang sagot mula sa interviewee at hindi raw ganun ang ipinalabas sa SONA 2014.

Nagtapos naman si Kris sa paghingi sa mga tao ng panalangin para kay PNoy. “If you like him, if you like what he’s done, please pray for him. Pray with us that he continues his term, that all the good that he wants to do para sa bayan ay magawa niya.” Hiniling din niya na ipagdasal ng taumbayan ang safety at kaligayahan ni PNoy. “Sana after 2016 may maganda pang buhay para sa kanya.

WATCH Pangulong Noy Aquino, naging emosyonal sa kanyang SONA