• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes is not affected by Enchong Dee having a non-showbiz girlfriend

Julia Montes is not affected by Enchong Dee having a non-showbiz girlfriend

Julia Montes talks about her role as Mona in ‘Ikaw Lamang’ and her upcoming movie with a ‘fresh’ leading man.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/29/2014 8:05 AM
Julia Montes is not affected by Enchong Dee having a non-showbiz girlfriend


072914-Julia_main.jpgIsang masayang Julia Montes ang humarap sa Aquino and Abunda Tonight, para pag-usapan ang kanyang paganap bilang Mona sa Ikaw Lamang at para sagutin ang ilang katanungan tungkol sa kanyang personal na buhay.

Isang pagbati ang sinalubong ni Kris Aquino at Boy Abunda kay Julia sa napakagaling na pagganap nito bilang Mona sa Ikaw Lamang. Usap-usapan din noong July 25 ang pagkamatay ni Mona dahil sa napakahusay na paganap niya sa death scene. Maging ang mga kapatid daw na babae ni Kris ay affected sa pagkamatay ni Mona sa kwento.

Ayon kay Kris, makakalimutan mo na 19 years old pa lang si Julia. Ayon naman kay Julia, maging siya ay affected sa kanyang role bilang Mona at nakakalimutan rin niya ang kanyang edad sa totoong buhay kapag in character na siya. Napakaganda raw ng kwento, kaya sa death scene ay hirap na hirap siya kasi tumutulo pa ang luha niya sa parte na dapat patay na siya. Nagkaroon rin siya ng “sepanx” o separation anxiety at umiyak siya nang last day na niya sa set. 

Hindi man magbabalik si Julia sa Ikaw Lamang ay sinabi naman ni Julia na magsisimula na ang shooting niya para sa isang movie kasama ang isang “fresh” leading man.

Hindi si Julia affected sa balita na may non-showbiz girlfriend si Enchong Dee dahil magkaibigan naman sila at wala silang away. “Okay po kami, pero di kami yung okay na nag-uusap lagi.” Hindi lang diumano sila nag-uusap dahil nasira raw ang kanyang phone at nawala ang mga number. Dagdag pa ni Julia, hindi siya ngayon nagde-date. “Quiet lang ako, relax lang.

Busy rin diumano ang kanyang lola sa naipundar ni Julia na salon para dito. Ayon kay Julia siya ay “proudly kuripot.”