Aktres, isa nang "booking agent?"

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

7/27/2014 4:00 PM
Aktres, isa nang


072714-ogie.jpgKahit pala hindi na magka-show ang aktres na ito, dahil madalang din naman siyang offeran ng mga teleserye ay okay lang.  Kaya pa rin niyang maging alive and kicking.  Kaya pa rin niyang mabili ang gusto niyang bilhin."

Dahil alam n'yo bang isa na siyang "booking agent."

Ng mga out of town shows?

No! Hindi marangal ang kanyang pinagkakaabalahang trabaho ngayon, dahil kahit kelan ay hindi matinong trabaho ang "pambubugaw."

Ilang personalities na pala na "nganga" (read: jobless) ang nabibigyan niya ng kliyenteng ang karamihan ay pulitiko.  Nu'ng una ay siya ang "mabenta," kaso, according to our source, nagsawa na sa kanya ang kanyang mga kliyente. Kaya para hindi matigil ang kanyang "livelihood program" ay ino-offer na niya sa mga DOM o pulitiko ang mga friends niyang walang work sa showbiz.

May isang kuwento nga na binigyan niya ng P120K bilang talent fee ang isang TV personality, pero ang sabi dito ng kliyenteng politician eh P200K ang ibinigay nito kay Ms. Bugaw.

"Na-shock ako kasi dahil kung P200k yon, P80k na nga ang kinaltas sa akin, tapos, sa P120k, kinuha pa niya ang usapan naming 30%, so magkano na lang ang akin eh ako itong tumihaya at siya eh nakipag-negotiate lang?"

Oh, well, una kasi eh mali na yung pinasok, kaya windang-windang na nga ang magiging usapan sa ganyan.  Bakit kasi hindi na lang maghintay ng work?  O, kaya mag-acting workshop si Ms. Bugaw para dumagsa ang offer sa kanya at nang maihinto na nito ang pambubugaw.

Hay, nako...ang clue lang na maibibigay ko diyan ay kunin nyo sa first five letters at last five letters ang initials ng babaing ito. Kung mahihilo kayo sa kahuhula, eh inom na lang kayo ng paracetamol.