• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Abalos speaks about girlfriend Vicki Rushton and Daniel Matsunaga

Jason Abalos speaks about girlfriend Vicki Rushton and Daniel Matsunaga

Jason Abalos says that he didn’t have any idea that his girlfriend was already feeling that way.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/26/2014 11:13 AM
Jason Abalos speaks about girlfriend Vicki Rushton and Daniel Matsunaga


072614-jason_main.jpgSa press conference ng Separados, ang Cinemalaya movie entry sa “New Breed Category” nakausap ng Push at ng ilang press si Jason Abalos at kwento niya, ito ang kauna-unahang pelikula na pumayag siyang makipaghalikan sa kapwa lalaki, ang karakter na ginagampanan ni Ricky Davao. Kwento ni Jason kung bakit siya napapayag, “Trabaho, trabaho naman eh kapag kailangan talaga at hiniling ng istorya kasi masasayang yung buong pelikula.” At kung ano ang pakiramdam habang ginagawa niya ang eksenang halikan sa batikang director at aktor, “Wala naman, kumbaga, hindi mo naman iisipin bilang ikaw e, kungdi yung character na pinoportray mo.” 

Kontrobersyal si Jason Abalos ngayon hindi lang dahil sa pagpayag niyang makipaghalikan sa lalaki sa pelikula kungdi dahil na din sa nangyayari sa kanyang personal na buhay. Usapan ngayon ang naging rebelasyon sa tunay na saloobin ng kanyang girlfriend na si Vickie Rushton sa loob ng Pinoy Big Brother house. Ibinahagi ni Vickie ang kanyang nararamdaman sa mga housemates tungkol sa sinasabi niyang hindi pagbibigay ng effort ni Jason sa kanya at sa kanilang relasyon. At nang hingan ng reaksiyon si Jason tungkol dito, “Nung una I find it cute pa nga eh, ‘Uy naglalambing, paglabas nito siguro ganun ang gagawin ko’, so para sa akin yun ang naramdaman ko pero nung medyo nauulit-ulit na, ‘Uy seryoso na ito’. Tapos dun ko lang narealize na, ‘Oo may pagkukulang pala ako bilang boyfriend niya.’” 

At sa dahilan kung bakit siya nanlamig, tulad ng ipinapahiwatig ng kanyang girlfriend habang ibinabahagi sa mga housemates ang pakiramdam niya sa relasyon nila, “Hindi naman nanlamig, siguro nagkataon lang na nung unang panahon na naging kami wala akong trabaho. So nagkaroon ng Maria Mercedes, medyo iwas ako sa paglabas-labas kasi kapag TV naman, puyatan, paguran so yung mga free days ko nasa bahay lang ako nagpapahinga ako, ganun.” Ngunit nilinaw naman ni Jason na hindi siya nawalan ng oras sa girlfriend niya kahit na nagtatrabaho siya. “Meron, meron din kahit naman may trabaho pero siyempre mas ano lang ako nagpapahinga sa bahay kasi hindi naman maganda yung lumalabas ka na pagod ka, nasasayang lang tapos may curfew pa siya.”

Aminado si Jason na nakaapekto din ang curfew ni Vickie sa kanilang dalawa. Aniya, “Kasi magkikita kami sobrang bilis lang.” 


072614-jason_main.jpgNgunit inamin niyang marami siyang narealize sa mga napanood niyang ibinahagi ni Vickie sa bahay tungkol sa kanilang dalawa. At hindi rin naman niya masisi si Vickie na kinailangan pang ibahagi ng kanyang girlfriend ang nangyayari sa kanilang dalawa. Natanong din si Jason kung nahihiya ba siya na kailangang malaman pa ng tao ang problema nila. “Hindi naman nakakahiya para sa akin. Siguro siya bilang, ano siya e sobrang naive, yun ang tamang ano sa kanya kasi hindi niya lang din alam siguro kung ano ang pwedeng mangyari kapag nagsabi siya ng problema dun. Parang wala siyang idea sa showbiz e,” sabi Jason. 

Nagsalita na rin siya tungkol sa pagkakaugnay ng kanyang girlfriend sa kapwa housemate niyang si Daniel Matsunaga. At ang matapang niyang paglalahad, “Sa tingin ko biktima lang kami pare-parehas ng isang show kasi wala naman talaga e. Yung kay Daniel, Vickie, wala naman talaga eh. Sila na rin ang nagsasabi sa loob na wala naman talaga. Kayo dalhin kayo sa isang lugar na kayo-kayo lang na biruan, parang maganda si Vickie, gwapo si Daniel. Sila lang yung may edad dun na pwedeng loko-lokohin ng mga housemates.” 

Palagay niya ay isang set-up kaya ang nangyayari sa kanila nina Daniel at Vickie? “Wala naman, wala naman. Siguro well wala namang set-up yan feeling ko sila-sila rin yan yung mga tao sa bahay. So hindi mo maiisip na bibigyan mo ng ganyan so ako din nagulat na ganun ang magiging reaction niya. Siguro nasa ibang lugar siya na walang makakusap na pamilya, siguro naghahanap siya ng ganitong bagay,” depensa ng aktor.

Natanong din si Jason kung nasasaktan ba siya sa pagkakaugnay ng kanyang karelasyon kay Daniel. “Sa issues namin sobra akong nasasaktan pero siyempre ang pinanghahawakan ko talaga yung huling usapan naming nab ago siya pumasok na huwag kaming maniniwala sa kahit na anong sasabihin ng ibang tao. Basta kaming dalawa lang ang mag-uusap,” sagot niya.  

Sa mga nangyayari ngayon, nais na ba niyang lumabas na si Vickie sa bahay? “Kasi para sa akin dream niya yun at ako hindi ako magiging selfish na, ‘Huwag ka na diyan. Hindi ka gusto ng tao diyan’. Para sa akin meron siyang gustong patunayan sa loob ng bahay. Hindi naman ako tumutol bago siya pumasok kasi alam ko naman na ginagawa niya yun para sa pamilya niya.”

Kahit na wala pang masayadong linaw ang lahat dahil nasa loob pa ng bahay ang kanyang girlfriend, sigurado si Jason na hindi siya susuko. “Hindi naman, wala naman dapat, kumbaga, i-let go sa mga nangyayari. Sobrang bago lang naman ng mga issues eh. Hindi naman siya ganun kalaki.”