• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga on Arjo Atayde: ‘He shows so much respect and care and concern for my sister’

Toni Gonzaga on Arjo Atayde: ‘He shows so much respect and care and concern for my sister’

Toni Gonzaga has nothing but praises for actor Arjo Atayde who has admitted to courting her sister Alex.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/25/2014 9:34 AM
Toni Gonzaga on Arjo Atayde: ‘He shows so much respect and care and concern for my sister’


072514-gonzaga_main.jpgNaipalabas na noong nakaraang Sabado ang pilot episode ng kauna-unahang reality show sa ABS-CBN Mobile na Team Gonzaga na sinusubaybayan ang nangyayari sa magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa likod ng camera. Bilang isang reality show na pinapakita ang totoong nangyayari sa buhay nila, wala namang pagdadalawang-isip ang magkapatid upang hindi ito tanggapin.

Ayon kay Toni, “Siguro kung TV show siya medyo kakabahan kami kasi iba yung sa television. Since its only exclusive sa ABS-CBN mobile, may konting control and protection, hindi lahat maa-avail, kailangan makabili sila ng SIM card and wala namang hesitation on our part kasi wala naman kaming tinatago, wala. Ganito lang kami talaga, ang sabi nga naming, okay, kung gusto niyo kaming makita behind the scene, eh ‘di welcome.”

Ngunit kung nais ba nilang dalhin ang kanilang reality show sa telebisyon, para kay Toni, “Wala pa yun sa isipan namin, siguro if ever ang magdedecide niyan Star Creatives.” At sa katunayan ay wala pa naman sila sa ganung usapan ayon kay Alex. “Wala, wala pa.” Dagdag pa ni Toni kung sakaling dadalhin nila sa telebisyon ang reality show, “Siguro depende kung paano siya tatanggapin.” 

Nagbigay na din ng reaksiyon si Toni sa panliligaw ng co-star ni Alex sa Pure Love na si Arjo Atayde. Ibinahagi na ni Alex noon na ayaw ng kanyang Ate ang showbiz, kung sakaling mapagdesisyunan ni Alex na makipagrelasyon. At ang reaksiyon ni Toni dito, “Alam mo sabi ko kay Alex nanonood ako ng Pure Love ang husay niyang aktor, sobra niyang galing. Sabi ko kapag tinitigan ka niya mararamdaman mo yung emotion niya, umaarte ang mata niya, nakikita mo yung emotion niya, ang galing niya, malalim siyang actor. And I admire him so much as an actor and as a person.”

Ayon pa kay Toni, lagi nakukwento ni Alex si Arjo sa kanya, “Napakagalante, napakabait, maganda yung pagpapalaki kay Arjo and I have nothing bad to say against him because he shows so much respect and care and concern [for] my sister. So wala naman akong masasabing masama against him, siguro na kay Alex na yun, kung ie-entertain niya on a different level pero ako ang lagi kong pinapayo kay Alex with regards to everybody na magiging close sa kanya or manliligaw sa kanya na yun, priority niya muna ang trabaho, fix niya muna ang sarili niya, mag-mature muna siya ganun.”

At nang kuhanan ng reaksiyon ang katabing kapatid sa sinabi ng kanyang Ate na si Toni, “Ang dami niyang sinabi. Hindi, Ate ko kasi nagkakaintindihan na kami eh. Alam naman niya na right now hindi rin naman talaga ako nageentertain ng ganung thoughts muna so yun, makakaasa ka sa akin.”