• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual on growing old, his son Inigo, and the actresses he wants to work with

Piolo Pascual on growing old, his son Inigo, and the actresses he wants to work with

Piolo Pascual shares his thoughts on growing old, his son, and says why he wants to work with Maja Salvador and Sarah Geronimo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/25/2014 9:20 AM
Piolo Pascual on growing old, his son Inigo, and the actresses he wants to work with


072514-PIOLO_Main.jpgBumisita si Piolo Pascual sa Aquino and Abunda Tonight at ibinahagi ang kanyang thoughts on growing old, pati na rin ang mga plano niya for Inigo at ang mga artista na gusto niyang maka-trabaho in the future.

Sinabi ni Piolo na okay lang sa kanya tumanda at kasabay nito magkaroon ng wrinkles. “It’s all about embracing life. Lahat dumadaan sa pagkabata, sa pagkatanda. [It’s] embracing whatever you’ve gone through, whatever you’re going to face. Those wrinkles, those lines will remind you of how it was before.”

Ayon kay Boy Abunda, ABS-CBN executive Charo Santos-Concho considers Piolo the Brad Pitt of the Philippines dahil na rin sa timeless na kagwapuhan ni Piolo o ni “Papa P.”

Dahil nga lumaki si Inigo na nasa States, sinabi ni Papa P na lagi niyang hinahangad na sana mas naging present siya sa buhay ng anak niya. Kwento ni Piolo, recently matapos ang ilang buwang bakasyon ni Inigo sa Pilipinas, sinabi ni Inigo sa kanya na nalulungkot siya at “it would have been better if you were here.”

Ayon kay Piolo, pinapatapos muna niya ang high school kay Inigo bago niya ito payagan na i-pursue ang singing career.

Bukod naman sa anak na si Inigo, marami ring anak-anakan si Piolo sa kanyang teleserye na Hawak Kamay. Ginaganapan ni Piolo ang role ni Gin, guardian sa tatlong ampon na naiwan sa kanya ng kanyang kapatid na namatay. “They keep me young,” ani Piolo. Hindi raw pwede ang relax acting pagdating sa mga bata sapagka’t “they’re very raw.” Dagdag pa ni Piolo, “’di pwedeng uma-acting ka sa kanila, magre-react sila sa binibigay mo sa kanila.”

Dahil dito natutunan ni Piolo na “pwede ka rin pala sa ganung estado. You don’t know what you’re going to give, ‘di mo alam kung anong pwedeng ibigay sa ‘yo kaya ang sarap. Batuhan kayo.”

Ayon kay Piolo si Yesha Camile ang “most charming” sa mga batang kasama niya sa Hawak Kamay. Kasama rin niya sa naturang show sina Zaijan Jaranilla, Andrea Brillantes, and Xyriel Manabat.

Gusto ni Papa P maka-trabaho si Maja Salvador at Sarah Geronimo. Si Maja ay hinahangaan ni Papa P dahil “she doesn’t stop working” at hindi ito takot gawin ang mga hindi pa niya nagagawa. Ayon pa kay Piolo, “Maja is one actress I really admire.” Ano naman ang hinangaan niya kay Sarah? Sagot ni Piolo ay “I saw her grow, wow ibang klase!”