Mylene Dizon: ‘I’m in a relationship with Jason Webb’

Mylene Dizon has no qualms admitting relationship with San Miguel Coffee Mixers coach Jason Webb

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/26/2014 2:50 AM
Mylene Dizon: ‘I’m in a relationship with Jason Webb’


072614-mylene_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, kung gaano siya katapang bilang kontrabida sa mga teleserye, ganoon din katapang sinagot ni Mylene Dizon ang mga tanong tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

“I’m in a relationship with Jason Webb,” ani Mylene. Si Jason Webb ay coach ng basketball team ng San Miguel Coffee Mixers. May dalawa itong anak na babae, ages 8 and 10, from a previous marriage. Si Mylene naman ay may dalawang anak na lalaki, ages 9 and 5, kay Paolo Paraiso.

Nang tanungin si Mylene kung gaano katagal na silang may relasyon ni Jason, sagot ni Mylene ay, “Not yet one year.”

Wala raw humahadlang sa kanilang relasyon at tanggap ito ng mga taong mahal at importante sa kanila. Dapat lang naman daw siguro kasi almost 40 years old na rin si Mylene.

Pinuri ni Boy Abunda at Kris Aquino ang pagiging straightforward ni Mylene. Sabi ni Mylene, “Dapat lang kasi mahirap maghabol ng kasinungalingan.”

Magkaibigan pa rin naman daw sina Mylene at Paolo. “Nagtatawagan, nagte-textan kami or we’ll send pictures kapag may mga cute pics ang mga bata.” Hindi rin problema kay Jason ang ganitong setup nila ni Paolo.

Tinanong ni Boy kung ano ang sikreto ni Mylene at Paolo sa pagkakaroon ng magandang realsyon nila. Ayon kay Mylene kailangan lang ng, “Honesty. Open communication. Just be frank. Say what you mean, mean what you say.” 

Hindi ibig sabihin nito e wala silang conflict ni Paolo. “Kailangan  namin mag-agree and disagree because we are trying to raise children.” 

Sa buhay karera naman, gaganapan ni Mylene ang lead role sa Cinemalaya entry na Mariquina na ipapalabas na sa August 4. Una raw inalok ang lead role kay Judy Ann Santos pero walang problema kay Mylene kung second choice lang siya. Nagpapasalamat si Mylene at napunta sa kanya ang role.