• Home
  • Fresh Scoops
  • John Estrada on possibly working with Janice De Belen: ‘Never kong sinabi na ayaw ko siyang makasama

John Estrada on possibly working with Janice De Belen: ‘Never kong sinabi na ayaw ko siyang makasama

John Estrada shares why he and ex-wife Janice De Belen are on speaking terms, admits being a ‘selosong tatay.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/23/2014 7:45 AM
John Estrada on possibly working with Janice De Belen: ‘Never kong sinabi na ayaw ko siyang makasama


Sa Aquino and Abunda Tonight, walang alinlangang sinagot ni John Estrada ang mga katanungan tungkol sa pagiging aktor, tatay, asawa at pag-uusap nilang muli ng kanyang ex-wife na si Janice De Belen.

Sinabi ni John na kaya lagi niyang kasama ang kanyang asawa na si Priscilla Meirelles ay dahil manager na niya ito. Very blessed din diumano siya kasi hindi siya nawawalan ng trabaho. Ayon kay John pinagbubuti niya ang bawat trabahong napupunta sa kanya dahil “it’s going to be my recommendation to my next project.”

Wala rin siyang alinlangan sa pag-aartista ng kanyang anak na si Ina Estrada. Ang pagpasok sa showbiz ni Ina ang isa sa mga dahilan kung bakit nag-uusap na sila ni Janice. At pagdating sa pag-aartista ng anak ay pinayuhan niya ito na “seryosohin mo tong trabahong to, dahil pwedeng maging maganda ang buhay mo dito at marami kang matutulungan sa trabahong ito.”

Pinuna rin ni Boy Abunda na maganda ang anak niya kaya ‘di imposibleng maraming nanliligaw dito. Selosong tatay diumano si John at alam ng anak niya na magagalit siya at maging si Janice kapag may ginawa itong hindi maganda.

Tinanong siya ni Kris Aquino kung seloso siyang ama “because you know what you did?” Hindi naman nagkaila si John sa naging makulay at masalimuot niyang love life. “Tama naman si Kris, ang magnanakaw ay takot sa kapwa magnanakaw.” At kahit na raw isumbat sa kanya ng kanyang anak ang kanyang mga nagawa ay “iba pa rin kapag anak mo e.” Kwento pa niya, hindi niya alam kung paano niya na-convince ang parents niya noon na gusto na niyang mag-sarili at the age of 16 but for some reason “hindi mo magawa sa sarili mong anak e.

Posible kaya ang balik tambalan ni John at Janice sa isang teleserye? Ayon kay John, “given a chance, why not? Never kong sinabi na ayaw ko siyang makasama.” Kung magkakataon diumano, ayon kay Kris, ay isa itong “screen magic o fireworks.”

Sa relasyon naman niya kay Priscilla, sinabi ni John na nag-mature na siya at may pagkakaiba ang pagiging friendly at malandi. “I can be too friendly, but if my wife says that’s wrong then I’ll stop being too friendly.”